Chapter Thirteen

401 16 0
                                    

Nakatingin ako sa nagsasalita sa harap, nagdidiscuss ito ng proposal niya, pero ang bwisit na boss namin ay sa akin nakatingin.

Pigil na pigil akong tumingin sa kaniya dahil nung lumingon ako kanina ay panay ang ngisi niya at hinahawakan pa ang labi niya.

Nakakainis, baka may makahalata sa ginagawa niya!

"Yes, you may go." Ngumiti ang lalaki saka nagpasalamat nang paalisin na siya ni Vince kasama ang ilang mga board members.

Napapatingin ang iba sa kaniya dahil kanina lang ay napakasama ng timpla niya, ngayon naman ay hindi mawala ang ngisi niya.

Naiilang ako sa paraan ng pagtitig niya.

"Why are you blushing, hmm?" Lumapit siya sa akin, kanina pa ako nakaupo sa gilid dahil secretary niya lang naman ako.

"S-sir..." Umupo siya sa gilid ko hinawakan ang bewang ko.

Oh, Diyos ko po, ilayo niyo po ako sa tukso.

"I like the 'Vincent' more." Halos magpabaon ako sa lupa nang gayahin niya ang boses ko kanina.

Napanguso nalang ako at bahagyang yumuko. Kailangan niya ba talagang ipapaalala?

Tumawa naman siya sa naging reaksyon ko at umalis sa tabi ko.

Pumunta siyang pintuan, paalis ng meeting room. Hindi agad ako sumunod dahil naiinis ako sa paraan ng pag ngiti ngiti niya.

Buong araw ay nakatulala lang ako at hindi ko alam bakit hindi ko mapigilan ang pagngiti ko!


Linggo ngayon at kauuwi ko lang galing ospital, nagiging okay na naman si Xy, hindi talaga malaman kung kailan siya aatakihin ng sakit niya. Balak ko na ngang sabihin ang tungkol kay Xy kay Sir Vince pero hindi ko alam kung bakit natatakot ako, natatakot ako sa sasabihin niya.

Nagpupunas ako ng lamesa habang pinapaikot ang labahin namin ni sir Vince sa washing machine.

"Do you have something to do?" Pumasok si sir sa kusina habang inaayos ang lamesa.

Kumunot naman ang noo ko at naalala na bibili na nga pala ako ng birthday balloons at decorations para sa birthday ng anak ko.

Tumango ako sa kaniya. "May bibilhin sana ako sa palengke, sir-"

"Vincent." Putol niya sa sinabi ko kaya ngumiti ako.

"Vincent..." Tawag ko sa kaniya, natigilan naman siya at kalaunan ay ngumisi.

"Vincent... uhh" Bago pa man niya maituloy ang pang aasar niya ay umalis na ako.

Isang linggo na nang ginawa namin 'yon at walang araw na hindi niya ako nginingisian.

Dumiretso ako ng dirty kitchen para isampay ang nabanlaw ng damit.

Sumunod naman siya sa akin at pinatigil ako sa pagsampay at magpalaundry na lang daw kami.

"Bakit ka bumili ng washing machine kung 'di mo naman gagamitin?" Nakanguso akong humarap sa kaniya.

Tinignan niya muna ang labi ko kaya umiwas ako ng tingin.

"Display?" Ngisi niya. Pinanliitin ko siya ng mata kaya tumawa siya. "Oh come on, you're no longer my maid."

"Bakit? Hindi ba't 'yon naman talaga ang trabaho ko, hindi secretary." Tumaas ang kilay ko pero ngumiti lang siya.

"Bakit ka ba nagtatanong? Ako ang boss dito." Sumandal siya sa washing at ipinagkrus ang mga braso. Tumango na lang ako at iniwanan na naman ang ginagawa ko, sumunod nanaman siya at nagtatanong kung may gagawin pa ba ako.

Serving The Heir's FatherWhere stories live. Discover now