Chapter Thirty- Two

246 5 0
                                    

Itinakbo ako sa ospital ni Nel kasama ang anak ko.

Nararamdaman ko pa ang maliliit na daliri niya na humahaplos sa braso ko.

Sobrang sakit ng tiyan ko. Halos himatayin na ako.

Mabilis ang pangyayari, nagising na lang ako sa isang balita.

"N-nawawala si Xyphere, Pauline."

Ang mga salitang yan ang nagwasak sa mundo ko.

Paano nawawala siya? Hawak niya pa nga ang braso ko.

Kahit na gusto kong magmukmok ay hindi ko magawa dahil kailangan kong hanapin anga anak ko.

Ilang araw ako sa initan para lamang magdikit ng litrato si Xy sa mga poste.

Pati ang pulisya ay tinutulungan na ako.

Tinitiis ko ang init at pagod para lamang mahanap siya.

"Nasa tabi ko siya noon, Pau. N-nakakapit pa nga sa akin, t-tapos biglang nawala."

Napatakip ako mukha ko at tuloy tuloy na umiyak.

Iyon ang kwento ni Nel.

Tatlong araw ang lumipas ni anino niya ay wala.

Hindi ko na inintindi ang mga taong nakatingin sa akin. Dere deretso akong pumasok sa simbahan, gulo ang buhok, wala pang ligo at maduming damit.

Lumuhod ako sa gitnang daanan sa loob ng simbahan at doon humagulgol, kinakausap ang Diyos.

Pakiusap, tulungan niyo akong hanapin ang anak ko. Huwag naman po ang anak ko. Umaalingawngaw na ang hagulgol ko sa tahimik na simbahan.

Halos hindi na ako makahinga, hawak hawak ko pa ang mga papel na naglalaman ng impormasyon sa kung saan ako mahahanap kung sakaling makita nila ang anak ko.

Pagod na pagod ako, nanakit na ang tiyan ko ngunit hindi ako tumayo, umaasang didinggin Niya ang dasal ko ngunit hindi...

Dalawang linggo, walang Xyphere. Walang Xy na ngumingiti sa akin, nagsusungit at nagbibigay ng yakap sa tuwing nanghihina ako. Wala ang lakas ko.

"Pauline, kain ka muna. M-makakasama sa anak mo." Napatingin ako sa pagkain na iniabot ni Nel.

Hindi ako tumitingin kay Nel, masama ba akong tao kung siya ang sisisihin ko? Masama ba akong tao kung magagalit ako sa kaniya kasi hindi binantayan ang anak ko.

Umiling ako at tumayo, panibagong araw na naman. Nanghihina ako at pagod na pagod na. Ganito lamang ako sa araw araw. Maghahanap kay Xy at iiyak sa gabi.

Hindi ko na kinakaya ang pag aalala, para na akong papatayin.

P-paano kung hindi pa siya kumakain? Paano kung umatake ang sakit niya. Ni hindi niya pa naiinom ang gamot niya. Paano kung mag isa lang siya at takot na takot. P-paano kung may nangyaring masama sa kaniya.

Ang daming pumapasok sa isip ko kaya hanggang sa dumilim ay nandoon ako sa labas, nagtatanong tanong kung nakita ba nila ang anak ko. Bawat araw na lumilipas ang bigat bigat sa dibdib.

Hanggang sa hindi na kinaya ng katawan ko ang pagod at gutom.

Sinukuan din ako ng anak ko— sa sinapupunan ko.

Nakatulala lang ako matapos lumabas ang doktor sa silid.

Maliit na ang tiyan ko.

"S-sorry... sorry... h-hindi ko s-sinasadya... s-sorry." Iyak lang ako nang iyak.

Haplos haplos ang sinapupunan ko ay lumabas ako ng silid.

Napunta ako sa likod ng ospital, gusto ko na ring mawala.

Doon ako umiyak nang umiyak, mas nararamadaman ko pa ang bigat ng dibdib ko kesa sa sakit ng tahi ko.

"S-sorry..." Hikbi ko lang ang maririnig sa buong lugar. Ni hindi ko na nga makita kung gaano kaganda ang mga halaman at puno rito.

K-kasalanan ko ito. Pinatay ko ang anak ko, kung sana hindi ko siya pinabayaan.

Kung sana, inalagaan ko rin siya, kung sana nahanap ko agad ang anak ko.

Sobrang sakit maglibing ng anak. Mas mahirap pa kaysa ang maglibing ng magulang.

Mas masakit na inilibing mo ngunit hindi mo pa nahawakan.

Hinaplos ko ang puting lapida.

Aelia T.




Nakalabas na ako ng ospital, walang ibang naiisip. Pagod na pagod na ako, gusto kong sumuko. Gustong gusto ko ng sumuko ngunit may pag asa pa ako. Hindi pa nahahanap si Xy nang walang buhay. Mahahanap ko pa siya.

"Pauline..." Napaangat ang tingin ko kay Nel na pulang pula na ang mga matang nakatitig sa akin.

Lumambot ang ekspresyon ko at tumakbo sa kaniya para yumakap.

Sa ilang araw kong pag ilag sa kaniya ay hindi niya ako pinabayaan. Nandiyan siya palagi para sa akin. Anong karapatan kong magalit sa kaniya. Anong karapatan kong sisihin siya.

Ako ang may kasalanan. Kasalanan ko bakit ako nagkaganito.





Hindi pa rin ako tumitigil sa paghahanap sa anak ko. Baka pag tumigil ako ay hindi ko na siya makita ulit. Sobra sobra na ang pag aalala ko.

Ang mga sariling sakit ko ay hindi ko na magawang indahin. Mas mahalaga kasing mahanap ko siya.

Napadaan na naman ako sa simbahan. Sa halip na lumuhod ay tumayo lang ako sa labas.

"Ang unfair mo." Pigil na pigil ang paghikbi ko. "B-bakit dalawa pa sila?" Nanghihina akong napasandal sa malaking pintuan doon.

Bakit pinaparusahan mo ako? M-masama ba akong tao dati? Marami ba akong nasaktan dati? Kasi bakit ganito ang nangyayari sa akin? Bakit ang dalawang anak ko pa.

Pagod na pagod na ako. Pagod na ako sa lahat.

Sinubukan kong tawagan si Vince. Nagbabakasakaling matutulungan niya ako ngunit hindi ko siya matawagan. Pati si Geo.

"Kain kana, Pauline. Uminom ka na rin ng gamot mo." Napatitig lang ako sa kawalan.

Nasa ospital na naman ako, nagdugo kasi ang tahi ko.

Blangko ang mata ko. Hindi ko na kinakaya, sumusuko na rin ang katawan ko.

Ang sabi ni Vince, kahit gaano kahirap ay magkasama naming haharapin ang problema ngunit wala. Iniwan nila akong lahat, mag isa na naman ako.


"Pau, nakita ko kanina pinapamigay. Baka gusto mong i-try?" Inabot ko ang hawak niyang papel.

Dance therapy.

Napailing ako. Dagdag gastos lang iyan. Pang print ko na lang ng litrato ni Xy.

Lumabas na lang ako ulit para magpatuloy sa paghahanap.

Halos madurog ako nang unti unting tinatanggal ang mga papel na dinikit ko sa mga poste.

"K-kuya! B-bakit niyo po tinatanggal?" Tarantang tanong ko.

"Ma'am, nililinisan ko lang po atsaka isang buwan na po kasi ‘yan diyan." Kamot nito sa likod ng ulo niya.

"K-kuya, wag niyong tanggalin. Baka makita pa ang anak ko." Halos lumuhod na ako rito ngunit hindi na niya ako pinansin. Inalis niya na rin ang ibang mga poster na nakadikit doon.

Kinuha ko ang nahulog na litrato niya. Maliwanag ang ngiti niya rito at may hawak na libro. Isa sa pinakapaborito niyang libro.

Napabuntong hininga ako at pinalis ang luha.

Serving The Heir's FatherWhere stories live. Discover now