Chapter Six

442 19 0
                                    

"Uhm, sir, saan po ako matutulog?" tanong ko sakaniya matapos niya akong pagbuksan ng pinto.

Paano kasi kapag tinatalikuran niya ako palagi siyang pumupunta sa kwarto niya.

"There"

Napakunot ang noo ko habang nakatingin kwartong itinuro niya. Iyon kasi ay katabi lamang ng kaniyang silid.

Muli akong bumaling sakaniya, nakataas naman ang kaniyang kilay.

"So I can easily call you whenever I need you" wala pa man akong sinasabi ay nagpaliwanag na siya.

Tumango na lamang ako atsaka nagpaalam sa kaniya.

Maayos ang kwartong ipinagamit niya sa akin. Napaupo ako sa dulo ng kama atsaka itinukod ang aking siko sa aking binti.

Napabalikwas ako nang maalala si Xy, hindi ko siya nakamusta ngayon araw.

Gabi na panigurado ay tulog na siya.

"Nelso-Nelsa, si Xypere?" bungad ko nang sagutin ni Nelson ang tawag ko.

"Tulog na, iyak nga ng iyak kanina, hinahanap ka" sagot niya.

Nagising ko pa ata siya.

"Ipinakita mo ba ang larawan ko?" mahinang tanong ko.

Rinig ko ang hikab niya bago sumagot.

"Oo, iyon nakatulog agad. Paano ka makakauwi niyan kung sa umaga ay papasok ka sa opisina tapos sa gabi ay diyan ka sa bahay ni Sir pogi?" napabuntong hininga na lamang ako.

Hindi ko pa rin kasi alam ang gagawin ko. Pagkatapos na pagkatapos kasi akong pumayag ay ipinalipat na kaagad ako rito sa bahay niya.

"Ako na ang bahala doon, kaya kong gumawa ng paraan. Makakaday-off naman siguro ako."hindi pa ako sigurado doon.

Sa ugali palang kasi ni Sir Vince ay parang ang hirap niyang paki usapan.

"Oh, kamusta ka naman diyan?Pinapahirapan ka ba ng talipandas na gwapong boss natin?" Napayuko ako ay napahimas at napatingin sa kamay kong sugat.

Bumalik si Sir kanina at inabutan lang ako ng bandage pagkatapos ay tinalikuran nanaman ako.

"Kaya naman. Kakayanin" tango ko, nakayuko pa din.

"Pinapahirapan ka nga?!" Nagulat ako sa sigaw niyang iyon kaya bahagya pa akong napabalikwas.

Nakakagulat talaga siya minsan.

"Huwag kang mag alala, kaya ko ang sarili ko. Kakayanin ko 'to basta alam kong ligtas at malusog ang anak ko"paninigurado ko.

Iyon lang naman ang dahilan kung bakit narito ako.

"Haynako, girl, goodluck. Aalagaan namin 'tong anak mo, promise!" Napangiti ako sa sagot niyang iyon.

"Salamat talaga, di bale kapag nakuha ko ang sweldo ko ay babayaran kita"paninigurado ko.

"Buang ka! Hindi na kailangan, 'di ba may pinag iipunan ka? 'Yong transplant ni Xy? Iyon na muna ang unahin mo" singhal niya sa akin.

Muli akong napangiti sa kabaitan niyang iyon.

"Salamat talaga, Nelsa ha. Napakabuti mo"

"Duh, I know right" napatawa naman ako sa naging sagot niyang iyon.

Serving The Heir's FatherWhere stories live. Discover now