Chapter Sixteen

420 13 0
                                    

"A book again?" Tuwang tuwang binuksan ni Vince ang isang regalo, nandito pa rin kami ngayon sa kwarto ni Vince, nagbubukas ng mga regalo ni Xy.

"Yes po, book ulit!" Masayang niyakap ni Xy ang libro matapos itong iabot sa kaniya ni Vince. "Paano po nila alam na book gusto ko?" Kuryosong tanong nito, napangiti ngiti naman ako nang mabuking si Vince.

"I told them, I know how much you love books, Xyphere Kale." Napangiti ako nang tignan ako ni Vince.

"Thank you po, Daddy!" Yinakap siya ni Xy. Ginulo niya ang buhok ng bata saka mahinang tumawa. "Eto po hindi book, ang laki nito, mama!" Tumayo pa siya at saka ipinakita sa akin ang malaking box at tuwang tuwa niyang kinakalikot ang ribbon sa taas ng box.

"Your mom bought that, kiddo." Saad ni Vince.

"Talaga ma?" ngumiti ako at tinulungan siyang tanggalin ang ribbon ng box.
Bumungad don ang malaking laruang sasakyan na pwede niyang sakyan, kulay green at black 'yon.

"Maganda ba 'nak?" Tinulungan siya ni Vince na sumakay don.

"Opo!" Nakangiting aniya habang ginagalaw galaw ang manibela, may kaluwagan ang kwarto ni Vince kaya na-e-enjoy ni Xy ang laruang sasakyan niya.

Matapos 'yon ay ibinalik ko na siya sa ospital para macheck up at makainom na ng gamot.


"Uuwi ang kapatid ko ngayon, si Flynn." Salubong sa akin ni Vince nang pumasok siya sa kwarto ni Xy. Tulog si Xy kaya nag ayos muna ako rito.

May bitbit siyang basket ng prutas at mga libro. Hindi niya talaga nakakalimutang 'yan ang pinakagusto ni Xy.

"Kailan?" Inabot ko ang dala niya at ipinatong 'yon sa mesa.

Naikwento na niya sa 'kin si Flynn, ang sumusunod sa kaniya.

"Maybe next week, I-uhm..." Umupo siya sa sofa na nakaharap sa kin. Kumunot ang noo ko at umupo sa tabi niya.

"Hmm?"

"I want to take you out for few days, Pauline." Nginitian niya ako.

"Paano ang anak ko?" Napatingin ako kay Xy pero hinawakan niya ang baba ko at ipinaharap sa kaniya.

"As much as I want to bring him, we both know he's not allowed and napakiusapan ko si Flynn na siya ang magbabantay sa bata." Medyo nag aalangan pa ako pero hinawakan niya ang kamay ko. "It's just 3 days- okay, 2 days?"

"Sige, saan ba 'yan?" Sa huli'y tumango na lang ako, gusto ko rin naman 'yon, gusto ko rin siyang makasama.

"You'll see."

Nagbalik din kami sa trabaho, busy sa opisina ngayon dahil may inaasikaso silang malaking kliyente. Nagbasa basa rin ako ng mga papeles, medyo nagkakaroon na ako ng ideya sa pinag aabalahan nila ngayon.

Minsan nga'y kinukunsulta pa ako ni Vince, sinasabi ko lang ang opinyon ko tulad ngayon.

"What do you think?" Nagtatanong siya sa kung anong suhestyon ko tungkol sa mga materyales.

"Uh, sa tingin ko mas maganda kung langis pa rin ang gagamitin natin. Hindi naman tayo nagkukulang sa supply, at isa pa mas nakakaganda 'yon sa imahe natin dahil quality ang mga produkto natin. " Tumango naman siya at sumandal sa shivel chair niya, nakaupo lang ako sa harap niya habang binabasa ang ibang proposal.

"Yeah, I'm also thinking about that."

"Hindi daw pipirmahan ng board ang approval form hangga't wala silang natatanggap na memo na magpapameeting ka." Paalala ko sa kaniya, gusto kasi nilang si Vince ang magpapaliwanag ng proposal.

"Those oldies are so annoying." Nasapo niya ang noo niya kaya nilapitan ko siya at nagdadalawang isip pa kung yayakapin pero sa huli'y niyakap ko siya. Naramdaman ko ang pagtigil niya ngunit niyakap din ako pabalik.

Serving The Heir's FatherWhere stories live. Discover now