Chapter Twenty-Two

330 8 10
                                    

Malungkot na ngumiti sa akin si Flynn.
Kahit kasi siya ay walang alam kung bakit wala ang kapatid niya.

"I'm so sorry..." Napayuko siya, tila siya ang nahihiya para sa ginawa ng kuya niya.

"Ayos lang." Umiling ako saka ngumiti. Wala naman siyang kasalanan.

"I won't tell him where you are staying." Saad niya, parang ‘yon na lang kasi ang maitutulong niya sa amin.

Tumango na lang naman ako, ipinagpatuloy na rin ang pag iimapake.

Nagring ang cellphone ko.

"Hello?" Hindi ko na tinignan kung sino ang tumawag.

"Cupcake," Natigilan ako at literal na nanghina nang marinig ang boses niya. Ilang araw kong iniiyakan ang may ari ng boses na ‘yan.

"V-vince..." Napatingin naman sa akin si Flynn, tumango siya at saka lumabas na ng kwarto.

"I'm sorry..." Mahinang boses niya, ayan na naman ang sunod sunod na luhang bumabagsak sa mga mata ko. "I'm so sorry..."

Sapo-sapo ko ang bibig ko para pigilan ang paghikbi ko.

"Aalis na kami, Vince." Matagal bago ako nakasagot, kailangan ko pa kasing patahanin ang sarili ko.

"N-no, wait for me, please?" Malambing na boses nito, rinig na rin ang mahinang pag iyak niya. "Please?"

"Sorry..." Labag sa loob kong binaba ang tawag.

Nag ring ulit ang cellphone ko pero hindi ko na pinansin pa. Kahit na itanggi ko ay hinahanap hanap ko ang boses niya. Iyak ako nang iyak habang pinagpapatuloy ang pag iyak ko, hagulgol na niya ‘yon. Naninikip na rin ang dibdib ko.

Pitong araw, Vincent. Ngayon lang siya tumawag, ngayon ko lang narinig ang boses niya.

May namumuong galit sa akin, ayoko man nito ay hindi ko maiwasan. Pinili niya ang babaeng ‘yon kaysa sa amin. Pinili niyang manatili sa kaniya at saktan ako at ang anak namin. Akala ko ba’y babawi siya sa amin ng anak namin? Anong nangyari?

Hindi sapat ang salita lang, kailan tapatan din ng gawa. Pinagkakatiwalaan ko siya, oo, pero ang hirap magtiwala kung iba naman ang ginagawa niya. Paano ko siya pagkakatiwalaan kung isang linggo siyang hindi nagpapakita sa akin. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya. Hindi ko alam kung anong iisipin ko, bakit hindi siya magpaliwanag? Kahit ilang minutong tawag lang noong mga nakaraang araw ay wala.

Nginitian ko si Xyphere, nagulat ako nang sumilip siya sa kwarto.

Maliliit ang hakbang niya papunta sa akin at walang alinlangang niyakap ako.

"Ma, stop crying na." Sinapo niya ang dalawang pisngi ko at pinahid niya ang luha ko.

Napangiti naman ako kahit na umiiyak.

Ang maliliit na kamay niya ang nagpakalma sa akin.

Paano ko ipapakilala sa kaniya ang tatay niya?







Papunta ako ngayon sa kumpanya para magpasa ng resignation letter.

Nang makapasok ako sa lobby ay malakas na sampal ang inabot ko.

Sa hapdi ay parang namanhid na ako mukha ko, nawalan ako ng pandinig nang ilang sandali. Hindi ako nakagalaw. Narinig ko ang pagkagulat ng ibang empleyado.

"You fucking slut!" Hinila nito ang buhok ko, gusto kong lumaban pero hindi ko kaya.

Masyado siyang malakas at wala akong kalaban laban sa kaniya. Nananakit na ang ulo ko at ramdam ko pa rin ang hapdi ng pisngi ko.

Serving The Heir's FatherWhere stories live. Discover now