Chapter Four

435 21 0
                                    

"M-ma.." dinig ko ang mahinang pag iyak ni Xyphere sa tabi ko.

Alas sinco na ng madaling araw. Dadalhin ko pa siya sa bahay nila Nelson, may magbabantay kasi sakaniya doon.

Sa kanila ko iniiwan si Xy, mapagkakatiwalaan naman sila. Ilang beses ko nang napatunayan iyan.

"Hmm? Anong kailangan ng baby na 'yan?"mahinang tanong ko. Sumiksik siya sa leeg ko at pumunta sa itaas ko.

"Hug" mahina akong napatawa. Nagpapalambing nanaman kasi.

Hinaplos ko ang likod niya at saka hinalik halikan ko ang kaniyang buhok.

Nakapikit siya atsaka sinusubukang makatulog muli. Ganito siya palagi kapag hindi niya ako nakikita ng mahabang oras

Napabuntong hininga ako.

Nagpapasalamat akong kahit papaano ay hindi naman lumalala ang mga simtomas ng sakit niya.

Ilang araw ang lumipas. Araw araw hinahanda ko ang sarili ko kung sakaling tatawagin ako ni Sir Vince.

Hindi niya kasi ako kinausap noong huli.

Madalas siyang tumingin sa akin ngunit wala namang sinasabi.

Araw araw ay bumubuti ang pakiramdam ni Xyphere.

Araw ng linggo at isasama ko si Xy sa pagsisimba. Nakagawian na namin ito, lalo na't tumuloy kami sa simbahan noon.

Kaming dalawa lang ang magkasama. Natawa pa ako kay Xy nang gayahin niya ang ginawa kong pagluhod. Ipinagdaop ko ang mga palad namin at saka pumikit.

Panginoon, maraming salamat sa araw araw na ipinagkaloob niyo sa amin. Maraming salamat dahil patuloy ang pag ayos ng pakiramdam ni Xy. Huwag po sanang lumala ito, huwag niyo po sanang hayaang may mangyaring masama sa kaniya. Nawa'y patuloy niyo kaming gabayan. Ipinagdarasal ko din ko po na sana ay bumalik na ang ala ala ko.

Marami pa akong ipinalangin at ipinagpasalamat sa Kaniya.

Nang matapos ang misa ay huli kaming lumabas ni Xyphere upang hindi siksikan at hindi siya maipit.

Bumaling ako sa kaniya nang unti unti siyang sumandal sa balikat ko.

Napangiti ako at inayos ang ulo niya.

Ipinasyal ko na muna si Xyphere sa isang parke. Tuwang tuwa siya, hindi masyadong mainit ngayon kaya't naigala ko siya.

Kinahapunan ay ipinunta ko si Xyphere kay Nelson. Day off ng lahat ngayon. Sarado ang buong kompanya sa araw na ito.

"Oh, nandiyan na pala kayo" salubong sa amin ni Nelson ay kinuha ang maliit na bag ko na naglalaman ng sobrang damit ng anak ko at bote ng gatas niya.

"Ah, oo, iiwan ko nanaman ang anak ko, pupwede ba?"paki usap ko sakaniya.

Pabirong kinurot niya ako sa braso saka umiling.

"Haynako, babae, hindi pa rin talaga nawawala ang hiya mo"

Ngumiti na lamang ako. Naisipan ko na ring maghanap ng kasambahay pero natatakot ako, marami nang nababalitang iba't ibang modus. Hindi ko kayang mapahamak ang anak ko.

Maingat kong pinupunasan ang mahabang lamesa rito sa conference room nang biglang may pumasok.

Agad akong napayuko at binilisan ang aking ginagawa.

Si Sir Vince kasi iyon.

Tahimik lang siya kaya mas lalo kong binilisan ang aking ginagawa.

Sinigurado ko ring walang mahuhulog at mababasag dahil baka sigawan nanaman niya ako.

Serving The Heir's FatherWhere stories live. Discover now