Chapter Thirty- One

210 5 0
                                    

Nakatitig ako sa nakatulog na si Xy. Nasa jeep kami papunta sa bahay nila Nel. Dalawang malaking bag at isang maleta ang dala namin. Hindi ko alam paano ko nakakayang buhatin ang lahat ng ito, kasama pa si Xyphere.

Makapal na ang mukha ngunit wala na kaming matulugan. Buti sana kung ako lang e, ngunit kasama ko ang anak ko. Kaya ko na namang kahit sa kalsada na lamang matulog. Bumalik na sa Bataan si ate Celia. Wala na naman akong maka usap na iba.

Pilit kong pinipigilan ang sarili kong umiyak pero hindi ko kaya. Bawat minuto na lumilipas mas lalong sumasakit.

Tinitiis ko na lang din ang paninikip ng dibdib ko at pinipilit na maging matatag para sa mga anak ko.

Pinagtitinginan na nila kami. Paano ba namang hindi, ang gulo gulo ng nakatali kong buhok. Gusot ang damit ko at halata mong nanggaling pa sa pag iyak. Mapakla akong natawa, basura nga talaga ako.

Nang matanaw ko na ang bahay nila Nel ay naghanda na ako at ginising si Xyphere. "‘Nak, gising na." Inalog ko siya nang bahagya. "Mamaya ka na lang ulit matulog ha."

Umayos naman siya ng upo at inaantok pa.

Pumara na ako at nauna nang bumaba, ibinaba ko pa ang ilang gamit sa kalsada para sana kuhanin si Xyphere ngunit umamdar ulit ang jeep at humarurot ng takbo, nanlaki ang mata ko nang makitang nahulog ang anak ko. Mabilis akong maglakad at inalalayan si Xy.

"Hoy! Putangina nito!" Agad na narinig ko ang sigaw ng isang kapitbahay at tinulungan kami.

Inusisa ko ang anak ko.

"M-masakit ba, anak?" Umiling siya.

Binuhat ko si Xyphere, hindi siya umiiyak at mukhang hindi pa nasaktan sa nangyari.

"Saan kayo, miss?" Tanong ng lalaking sumigaw kanina, napaangat ang tingin ko sa kaniya.

"K-kila Nelson." Sagot ko naman dito. Alam kong namumula na ang mata ko ngayon ngunit hindi naman siya nagtanong.

"Ah, si manong." Manong? Nangunot ang noo ko pero binuhat niya na lang ang ibang gamit namin at hinila ang maleta. Nauna na siyang maglakad kaya’t sumunod na lang kami, buhat buhat ko pa rin si Xy.

Nag aalala ako sa kaniya, hindi siya nagsasalita simula nang makaalis kami sa bahay ni Vince.

Nang maihatid kami ng lalaki ay siya na ang kumatok, agad na pinagbuksan naman kami ni Nel.

Nanlaki ang mata niya nang makita kami. Natataranta pa siyang papasukin kami. Lumingon ako sa lalaking tumulong sa amin at nagpasalamat.

"Tristan, ikaw si?" Iniabot niya ang kamay niya ngunit hindi ako gumalaw at tinitigan ang kamay niya.

Maliit akong ngumiti ngunit hindi kinuha ang kamay niya. "P-Pauline."

"Hoy Taning! Tigilan mo si Pauline." Singit naman ni Nel sa gitna namin.

"Grabe naman to si manong." Nakasimangot na sagot ng lalaki.

"Masasapak kita!" Nanggagalaiting balik ni Nel kaya natatawang kumaway ang lalaki paalis.

"Anong nangyari, ‘te?" Pinaupo niya kami sa upuan at binigyan ng tubig. Tahimik lang akong uminom ng tubig, gayon din ang anak ko. "Anong nangyari, Pau?"

Umiwas ako ng tingin at kinuha ang first aid kit ni Nel dito sa bahay niya. Lumuhod ako sa harap ni Xyphere at inabot ang braso. May malaking gasgas siya sa isang braso at mayroon pa pala sa tuhod.

Habang nililinis ko ang sugat niya ay gusto kong umiyak. Ang mga sugat na to, alam kong wala pa to sa sakit na binigay sa amin ng ama niya. Iniwanan siya ng tatay niya, nakita niya ang lahat kung paano kami tinaboy. Naiiyak akong mararanasan na naman niya ang walang ama.

Serving The Heir's FatherWhere stories live. Discover now