Chapter Twenty-Four

301 10 2
                                    

Puti ang lahat ng nakikita ko nang magmulat ako ng mga mata.

Unang bumungad sa akin ay si Vincent.

"How are you, love? May masakit ba?" Masuyong hinawakan niya ang kanang kamay ko.

Sinubukan kong umupo ngunit kumirot lamang ang ulo ko kaya napahiga ako ulit. "M-masakit ang ulo ko."

Nag aalalang inalalayan niya naman ako at umupo na rin sa kama ko, tumabi siya sa akin.

Tinulungan niya akong mapaupo saka umakbay sa akin. Awtomatiko naman akong humilig sa balikat niya.

"I'm so worried, Pauline." Masuyo niyang hinaplos ang buhok gamit ang kanan niyang kamay ang isang kamay niya naman ay ipinangsiklop sa kamay ko.

Napapikit ako at inalala ang nangyari kanina.

"That girl from the cafe, do you know her?" Napaangat ako tingin sa kaniya, sa akin din pala ang mga mata niya.

Umiling ako.

Sino nga ba ang babaeng ‘yon. Sylvia.

"Itinakbo ka ng mga staff sa cafe na pinuntahan mo rito sa ospital. I'm relieved that my number is your emergency contact," Pagkukwento niya, gusto ko pa nga siyang mapaglarong nginitian dahil siya naman ang naglagay ng number  niya sa contact person ko. "The staffs told me that a girl approached you earlier and we also reviewed the cctv footage of the cafe. A lady talked to you and you fainted." Humigpit ang hawak niya sa kamay, muling tumaas ang tingin ko sa kaniya, madilim ang mukha nito at makikitaan talaga ng galit. "She kicked you after you fainted, she's cruel. Whoever she is I'll make her pay." Umiwas ako ng tingin.

Bakit ba napakahina ko? Bakit hindi ko kayang lumaban?

Aurelia. Bigla na lang pumasok sa isip ko.

"Aurelia..." Isinatinig ko.

"Huh?" Naguguluhang sulyap niya sa akin.

"‘Yan ang pangalan ko, Vince." Mahinang saad ko, hindi ako sigurado pero parang para sa akin talaga ang pangalang ‘yan.

"What do you mean?" Muling tanong niya.

Hindi ko alam paano sasagutin dahil hindi ko masyadong maalala. Para lang siyang panaginip ko.

"H-hindi ko alam, naalala ko na ang iba. Aurelia ang tawag nila sa akin."

"Ano pang ibang naalala mo?" Muling tanong niya habang hinahaplos ang kamay ko.

"W-wala na..."

"So you're not Pauline?" Naguguluhang tanong niya ngunit masuyo pa ring nakatingin sa akin.

"H-hindi ko alam..." Umiwas ako ng tingin.

"‘Wag ka na masyadong mag isip ha, we'll figure this out together, okay?" Hinalikan niya ang noo ko kaya naman napapikit ako. "For now, take a rest, okay?" Iniyakap na niya sa akin ang brasong nakaakbay kanina. Si Xyphere kaya, gabi na rin at hindi ko pa siya nakakamusta. "Our son is alright, don't worry about him." Nakangiting tumango ako dahil alam niyang si Xyphere pa rin ang iniisip ko kahit ngayon.

Nakaidlip na kaming dalawa ni Vince sa ganoong position nang may kumatok. Bumangon naman agad si Vince saka pinagbuksan ang tao sa pinto.

Isang doctor ang pumasok at may hawak na folder.

"Good evening, here's the test we'd run for you, Ms. Flores." Iniabot niya ang folder na hawak kay Vince.

"Is she okay, doc?" Hindi naman niya binasa, humarap siya agad sa doctor.

Bumuntong hininga naman ang doctor at hinarap ako.

"Yes, as I've read your records, you have a Post-Traumatic Amnesia. Your memories are not lost because of an accident, your brain chose to forget your past." Naguguluhan naman ako dahil magmula nang magising ako ay hindi ko alam anong nangyari sa akin. Hindi ako kailanman nagpa chech up. "I assume, something happened earlier that it triggered your brain to release some memories and it caused your head to ache." Ang babae kanina, sigurado akong siya ang nagtrigger sa utak ko. "I suggest if you want to remember your past, go see a psychiatrist." Aniya.

Serving The Heir's FatherWhere stories live. Discover now