Chapter Twenty-Six

289 7 0
                                    

Kinabukasan ay naabutan ko na naman si Vince na nakaupo sa sofa.

Nakalukot ang mukha nito at nakatingin sa malayo. Alam kong may problema siya, nasasaktan rin naman akong nakikita siyang nasa ganoong kalagayan habang ako ay walang kaalam alam.

Gusto ko naman siyang tulungan kaya pagkatapos na pagkatapos ng operasyon ni Xyphere ay magkasama naming haharapin ang problema namin.

"Vincent, kain na tayo." Aya ko siya matapos akong magluto. Simula nang magsimula akong magluto ay hindi na siya gumalaw sa pagkakaupo niya.

Hindi niya nga ako napansin na dumaan sa harap niya. Nagulat pa siya nang tawagin ko siya.

"Coming, baby." Aniya.

Hindi ko na napigilang tabihan siya
"Ayos ka lang ba?"

"Yes, of course." Tinignan niya ako at nginitian, pekeng ngiti.

"Girlfriend mo na ako ngayon, Vince. Ang problema mo ay problema ko rin, ha." Bahagya kong hinaplos ang pisngi niya.

"Yes, I'll tell it to you soon." Hinawakan niya ang kamay ko sa pisngi at hinalikan ‘yon. "For now, just stay with me, please."

"Oo naman, hindi kita iiwan, namin ng anak mo." Yakap ko rito, mukha naman siyang sumaya sa sinabi ko at hinalikan ako sa pisngi.

"I love you." Masuyong saad niya, gumaan naman ang pakiramdam ko dahil don.

"Mahal din kita."

"Xyphere, anak, kakain na." Tawag ko kay Xy. Gising na rin siya.

"Good morning, mama." Napangiti naman ako at niyakap siya.

"Good morning, ‘nak." Inaya ko na siyang bumaba. Binuhat ko na nga lang siya.

Pagbaba namin ay nakaayos na ang lamesa, nakaupo na rin si Vince roon.

"Xy, after your operation, we'll enroll you to your school, is that good with you?" Pagkausap nito sa anak namin.

"Opo! Gusto ko na po school." Nangingiti ako habang nakikinig sa kanila. 4 years old na rin si Xy kaya pasok na siya sa Day Care.

"Kaya magpagaling ka ha. Be strong for mommy and me."

"Opo, magpapagaling ako, daddy at mama." Masayang tumango siya.

Natigil naman ang pag uusap naming tatlo nang narinig namin ang sunod sunod na pagtunog ng doorbell.

"Ano na naman bang ginagawa mo rito!" Salubong ni Vince.

Kumunot naman ang noo ko, sino naman kaya ‘yon?

"Grabe ka na sa ‘kin Vince!" Umalingawngaw naman ang boses ni Geo sa buong bahay.

"What are you doing here, Geo?" Masungit na tanong ni Vince, nakarating na sila rito sa dining.

"Inaaway na naman kasi ako ni Heather, I felt so humiliated!" Hindi ko alam kung matatawa ako o ano dahil kumapit pa sa akin si Geo.

"Bakit? Anong nangyari?" Tanong ko naman dito pero ang totoo ay natatawa na ako.

"Ay wala lang ‘to! Pinagsamantalahan niya lang naman ang kahinaan ko! Ang babaeng ‘yon! Ninakaw ang puri ko!" Kumapit pa siya lalo sa braso ko.

Natawa na lang din ako.

"Bakit?" Natatawang tanong ko. Asiwa naman si Vince at masamang nakatitig kay Geo.

"Habang lasing ako inano ako!" Dumukdok ito sa mesa na parang batang umiiyak.

"Puro ka na lang kagaguhan, Geo! Naririnig ka ng anak ko! Lumayas ka nga sa pamamahay ko!" Inis na saad naman ni Vince habang tawa lang ako nang tawa. Ano kaya pakiramdam ni Heather na ganito ang nakakasama niya araw-araw?

Serving The Heir's FatherWhere stories live. Discover now