Chapter Eleven

400 13 0
                                    

"Pauline! Anong oras na, aba! Tang ina neto hindi pa bumangon!" malakas ang pagyugyog sa akin.

Iminulat ko ang mga mata ko, pumupungay pa.

Hinawakan ko ang braso kong hinampas niya.

Ramdam ko ang sakit, halos mamula na ang aking balat.

"Sylvia..." tawag ko rito ngunit parang mas nagalit pa siya sa akin.

"Bumangon ka na mahal na prinsesa!" nanggagalaiting binatukan niya ako.

"S-sandali..." hindi ako makabangon dahil sa sakit ng katawan ko. Minasahe ko pa nga ang sintido ko.

Lalo namang nagalit siya.

"Aba!" padabog siyang lumabas ng timitirhan ko, akala ko'y aalis na siya ngunit halos mapatalon ako sa lamig ng tubig na ibinuhos niya sa akin.

"Bilisan mo r'yan, bwiset!" ngumisi muna siya sa akin bago nagmartsa paalis.

Napayakap ako sa sarili ko dahil sa lamig.

Ramdam kong lumala ang sakit ng ulo ko.

Kahit na masama ang pakiramdam ay bumangon ako at naligo.

Lumabas ako sa mula sa tinutulugan ko. Narito ako natutulog sa tambakan ng palay.

Nangangati pa ako pero tinitiis ko na lamang, wala naman akong magagawa rito.

Mabagal akong naglakad sa katabi ng palayan, ang mansion ng papa ko.

"Punta kang bayan." nang makapasok ako sa bahay nila papa ay sinalubong ako ni Sylvia.

"S-sige." tumango na lamang ako. Ang init, mataas kami ang sikat ng araw.

"Bilhin mo 'to, ganito dapat ang kulay ha, alam ko namang tatanga tanga ka pero wag mo sana pairalin ngayon." may inabot siya sa aking listahan, ni hindi ko nga alam ang mga ito.

Ang sabi niya'y mga make up daw ito.

Ano nga bang alam ko rito. Ibase ko nalang sa kulay. Saan naman kaya sa bayan ito makikita?

Bago naman ako umalis ay tahimik kong binisita si papa sa kwarto niya.

Masiglang binati niya ako. "Balik ka na rito, anak ko."

Malungkot akong ngumiti sa kaniya. Paanong babalik ako rito pa, kung lahat sila ikinakahiya ako. Paanong babalik ako rito kung mas pinipili mong ipagtanggol sila kaysa ako?

Ilang minuto lang ay nilisan ko ang kwarto niya.

Paglabas ko ng kwarto ay nandon si Sylvia, masama ang tingin sa akin kaya umiwas ako ng tingin.

Serving The Heir's FatherWhere stories live. Discover now