Chapter Twenty-Seven

288 4 0
                                    

On this day, August 23, the heiress of Samonte clan was missing, everyone thought she was lifeless already. There's no hour or day that I am not grieving. She's my only daughter... my life...

Naiiyak ako sa pinapanood ko. Nawawala kasi ang anak niya at inakalang patay na ito. Walang nakakaalam kung patay na nga ba talaga ito. Matanda na ang babae ngunit naroon pa rin ang ganda niya.

Napatulo ang luha ko nang muling humagulgol sa pag iyak ang babae, tila ba nasasaktan rin ako.

Napapaisip din ako, ako kaya? Hinahanap din kaya ako ng magulang ko? O kung may magulang ba talaga ako?

Ano kaya ang pakiramdam na mayroon kang magulang nakaalalay sa ‘yo? May magulang kang laging may payo at pinapagalitan ka kapag nakakagawa ka ng mali? Hindi ko na kasi ‘yan mararanasan.

Narito ako ngayon sa kwarto namin ni Vince. May bahay pala sila rito sa ibang bansa. Hindi na rin naman ako nagulat dahil kilalang pamilya ang mga Alvarez sa business world.

Bumukas ang pinto at pumasok si Vince. Napakunot naman ang noo nito nang makita ang hitsura ko.

"Why are you crying, baby?" Nag aalalang tanong niya at inalo ako.

Napatingin ako sa TV at itinuro ang babaeng umiiyak doon. "Kasi... umiiyak ‘yong babae."

"My baby is so fragile." Mahinang tumawa ito kaya napasimangot ako.

Ayaw ko lang sabihin sa kaniya ang nasa isip ko, na paano kung may naghihintay sa akin na magulang? O baka naman wala talaga?

Ang hirap kasi talaga ng sitwasyon ko. Ang utak ko mismo ang pumipigil sa akin para makaalala. Gusto niyang kalimutan ang nakaraan.

Huminga siya nang malalim at niyakap ako.














Sa isang araw ay ooperahan na si Xy. Kinakabahan ako pero ayaw kong ipakita ‘yon sa anak namin. Malulungkot kasi siya at hindi magandang malungkot siya habang ooperahan dahil makaapekto ito sa kaniya.

Naisipan naman naming ipasyal si Xyphere.

Una naming pinuntahan ang Statue of Liberty, napakalaki pala talaga nito. Kahit ako ay namangha ngunit oarang pakiramdam ko ay nakita ko na ito dati nang ilang beses.

Marami pa kaming pinuntahan, nakakapagod na nga e. Pero wala atang kapaguran ang anak namin at gusto pang magrides.

"Mama, ferris wheel ‘yan ‘di ba?" Itinuro niya ang malaking ferris wheel sa harap namin, napakalaki nito at sobrang makulay. Maliwanag siya at nag iiba iba ng kulay.

Napakaganda niyang pagmasdan.

"Opo, gusto mo ba r‘yan?" Tumngo ako at lumuhod sa harap niya.

Masayang ngumiti siya at tumingin sa daddy niya. "Opo! Daddy, is it okay po?"

Natatawa naman ako habang pinupunasan ang gilid ng labi niya. Kumalat kasi ang ice cream na kinakain niya. Nagiging kulay chocolate na ang gilid ng bibig niya at sa pisngi niya. Paano ba ito kumain?

"Yes, son. Ano pa ang gusto mong sakyan?" Bumaba na rin siya sa lebel ng anak namin.

"Hmm, ‘yon!" Malaking ngiti ang iginawad niya habang may itinuro.

Pabilog ito na may mga kabayo, umiikot ito nang mabagal lang. Makulay rin ito at nag iiba ng kulay. Nakikita ko rin ito sa mga perya noong nasa Bataan pa lang ako.

"Merry go round?" Tanong ni Vince.

"Opo, daddy. Sakay tayo ron?" Tumango ang tatay niya kaya nauna na siyang tumakbo papunta sa merry go round.

Serving The Heir's FatherWhere stories live. Discover now