Chapter Thirty

232 6 0
                                    

May mga tao talagang darating sa buhay mo na kailangan ding umalis kasi ganoon naman talaga ang buhay hindi ba? Wala namang permanente sa mundo, walang permanenteng tao, karamihan ay umaalis.

Saan ko na nga ba nilagay ang PT na 'yon?

Balak ko kasi sanang isend 'yon kay Vince. Baka sakaling bumalik siya sa amin, sa... akin. Ganito na ako kadesperadang bumalik siya sa amin, sasabihin kong magkakaanak ulit kami. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Mahal na mahal ko siya.

Ngunit hindi ko mahanap, hindi ko alam saan ko na siya nailagay.

Napabuntong hininga naman ako at napa upo. Hinaplos ko ang tiyan ko. Makikilala mo rin si daddy, diyan ka lang ha. Napapangiti ako sa naiisip ko. Babalik 'yon, alam kong mahal niya ako, mahal niya kami.

Umabot ng isang linggo. Walang paramdam, nawawalan na ako ng pag asa.

May mga oras na nag-c-crave ako sa isang pagkain. Wala namang kukuha noon para sa akin kaya si Nel ang inuutusan ko.

Gaya ngayon. Tinawagan ko siya.

"Nel! Mangga at chocolate hehe." Kahit na hindi niya nakikita ay ngumingiti ako.

"Ay aba! Ako ba ang asawa mo?" Singhal niya sa akin.

"Sige na, please?" Pagpapa cute ko pa.

"Jumbagin ko kayo dalawa e!" Aniya at pinatay na ang tawag kaya natawa ako.

Ganyan lang naman siya, kunwari ay ayaw pero maya maya'y may dala ng isang basket ng mangga at iba't ibang klase ng chocolate.

Mas gusto ko nung mga buong chocolate tapos ako ang magtutunaw at yon ang sawsawan ko sa mangga.

Maya maya lang ay nandiyan na siya.
"Masasapak na talaga kitang babaita ka! Pasalamat ka at buntis ka!" Agad na bungad niya pagkabukas ng pinto.

Iniabot niya sa akin ang isang plastic ng mangga, may alamang pa nga roon na nakahiwalay.

"Thank you, Nelson!" Ngiti ko naman sa kaniya sabay takbo sa kusina.

"Aba't!" Rinig ko pang sigaw niya bago sumara ang pinto ng bahay.

Tatawa tawa naman ako habang nagtutunaw ng chocolate sa mainit na tubig na pinakukuluan ko.

Nananakit na naman ang tiyan ko ngunit pinilit ko ang sarili kong tumayo para ipagluto ang anak ko.

Hindi ko alam paanong kada umaga ay punong puno ng groceries sa lamesa. Nagtataka naman ako dahil wala namang ibang pumupunta rito kundi ang tutor no Xy.

B-baka si Vince? Napailing ako sa naiisip ko.

Naitapon ko ba ang PT na ‘yon? Baka nga naitapon ko.

Babalikan pa kaya kami ni Vince? Naiiyak na naman ako, nakakainis.

May nagawa ba ako sa kaniya? Magdamag na naman akong nag iisip at umiiyak, hindi dapat ako ganito dahil baka makasama sa baby ko, ngunit ang hirap iwasan.

Nasanay na akong nandiyan siya.

"Mama, lalabas na ba si baby?" Inosente niyang hinaplos ang tiyan ko. Itinaas ko kasi nang bahagya ang damit ko para tignan sa salamin kung malaki na ba ang tiyan ko.

Kita na ang kaunting bukol dito. Hindi ko naman maiwasang hindi ngumiti.

"Matagal pa ‘nak." Ibinaba ko ang damit ko at ngumiti kay Xyphere.

"Kuya na po ako, mama?" Tanong niya ulit. Nakatitig ang mapupungay niyang mata sa akin.

Tumango naman ako, sumilay naman ang maliwanag na ngiti niya. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ko noon para ipagkaloob siya sa akin ng Diyos.

Serving The Heir's FatherWhere stories live. Discover now