Chapter Twelve

401 15 0
                                    

"Kamusta ang bakasyon niyo, sir?" binati ko siya sa kusina.

Kahapon umuwi na siya galing Palawan. Kahapon pa nga niya ako hindi pinapansin.

Aminin ko man o hindi, mayroon talaga sa akin na nalulungkot sa simpleng hindi niya pagpansin sa akin.

Hindi nanaman niya ako pinansin. Ngayong araw kasi ang balik niya sa trabaho.

Parang may kumirot sa puso ko nang parang ituring niya akong parang hangin lang.

Hindi na rin ako umimik, hindi ako sumabay sa kaniya sa pagkain dahil ang bigat ng paligid. Mukhang ayaw niya rin naman akong kasabay kaya hinintay ko nalang siya sa kotse.

Nagugutom na nga ako, hindi naman ako nakakain kagabi dahil nawalan ako ng gana sa hindi niya pagpansin sa akin.

Bakit nagkakaganito ka Pau? Mariing tanong ko sa sarili ko, umiling naman ako sa isang bagay na naisip ko. Walang lugar ang paglalandi ngayon, ang anak mo ang pinaka importante, hindi ba?

Ilang minuto pa ay lumabas na si sir Vince. Tinignan niya ako nang makapasok na siya sa sasakyan. Para lamang akong bata ngayon na naghihintay sa kaniya.

"Why are you there?" napalunok ako sa pagdilim ng mukha niya. Nakakatakot siyang tignan.

Napayuko ako dahil ko kayang tagalan ang paraan ng pagtitig niya, mukha siyang galit na galit sa akin.

"U-uhm, s-sabay po sa opisina." mahinang ani ko, hindi makatingin sa kaniya.

"Mag commute ka." naramdaman kong umayos siya nang upo.

"S-sorry po."

Dali dali naman akong bumaba dala ng kahihiyan.

Pagkababa ko ay agad niyang ipinaandar ang sasakyan.

Tila nadurog ang puso ko sa ginagawa niya sa akin ngayon. Tumingin ako sa taas para pigilan ang nagbabadyang luha sa akin.

Ni minsan hindi ako naiiyak sa paraan ng pagtrato sa akin ng mga tao, sinisigawan nila ako, pinagsasabihan ng masasakit na salita at minsan pa nga'y nasasaktan ng pisikal pero hindi ako naiiyak.

Bakit kapag siya na ang sakit.

Pinunasan ko ang luhang tumulo sa mga mata ko, hindi ko na namalayan. Sarkastikong ngumiti nalang ako naglakad na palabas ng subdibisyon.

Sa mga pag iisip ko'y hindi ko na namalayan na may nabangga na pala ako. "Sorry po."

"It's okay, hi Pauline." napataas ako ng tingin sa taong nabangga ko.

"S-sir Ivan?" nanlalaking matang napatingin ako sa kaniya. Ngumisi naman siya ngunit agad niya 'yong pinalis.

Kumunot naman ang noo ko. Noong nakaraang linggo ay nandito rin siya. Lasing na lasing siya at pilit na niyayakap ako. Hindi niya siguro maalala.

"Kamusta ka?" ngumiti siya, abot hanggang tenga 'yon kaya nginitian ko siya.

"Ayos lang sir."

"I told you, Ivan nalang." tumawa naman siya sa akin saka giniya ako sa upuan. Dito pala ako sa park napunta.

Tinignan ko ang paligid, ang aliwalas at tahimik ng parke. Eco-park ang nakalagay sa malaking karatula sa arko.

"Si Xyphere, Pauline?" nakangiting tanong niya. Napansin siguro niya ang pag iiba ng itsura ko kaya nagsalita siyang muli. "Is there a problem, Pau?"

"May sakit siya, Ivan." Napatigil siya nang marinig ang sinabi ko.

"How is he? I can help, Pauline. Anong kailangan niya?" mabilis na tanong niya. Para akong nabuhayan sa tanong niya.

Serving The Heir's FatherWhere stories live. Discover now