Chapter Thirty- Three

242 3 0
                                    

"J-just let me go, p-please." I sobbed. Basang basa na ang blindfolds ko. Nanginginig ang mga kamay kong nakatali sa likod ng upuan.

It was cold, I don't know where I was, who am I talking to and why are they doing this to me.

"Oh shut up! I'm not a saint to fucking obey that!" Sigaw ng babae, it echoed. Mas lalong nanginig ang katawan ko. T-takot na takot na ako.

"A-ano bang ginawa ko sa inyo?" Mahinang tanong ko. I can't find my voice.

"You was born. That's the worst thing you did." Diin niya, ramdam ko rin ang galit niya mula roon.

"I-It wasn't my f-fault." I mumbled. Halos mapasigaw ako nang may itutok ito sa sintido ko.

"It is! Since you was born, I was fucking neglected! I was tired hiding behind your shadows!" She whispered in my ear, then and there, I knew who she was. A traitor. "Kill her."

A loud gunshot echoed all over the place.



"The number is unattended..."

Napaupo ako habang sapo sapo ang ulo ko, nananakit na naman.

Hindi ko matawagan si Vince. Tatlo na silang pinagluluksuan ko, ang sakit sakit na dapat siya ang makakasama ko ngayon. Sigurado akong kapag nandito siya hindi niya hahayaang mawala ang anak ko, ang dalawang anak ko.

Napalingon ako sa pintuan nang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Nel.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong niya. Umiling lamang ako.

Umupo siya sa katabing upuan ng kama ko. Tanging ang tunog lang ng machines ang maririnig. Lumagi na ako rito sa ospital na ito. Tila walang buhay.

Maga pa rin ang mga mata ko sa walang tigil na pag iyak.

Tahimik lang si Nel na nakatingin sa akin, hindi ko na rin naman matandaan ang huling pagtawa naming dalawa sa mga biro niya.

Gusto kong humingi ng tawad sa kaniya. Sobra sobrang abala na ang ginawa ko sa kaniya.

Mabigat man sa loob ko pero nais ko ng bumalik sa Bataan para magsimula ulit, hahanapin ko pa rin naman si Xy at hinding hindi ako titigil hangga't hindi siya nahahanap.

Napabuntong hininga ako at magsasalita na sana nang bumukas ang pinto.

Isang sopistikadang matandang babae ang pumasok. Kahit na matanda na ay naroon pa rin ang kagandahan niya, mapupula ang mga labi nito at walang emosyon itong tumingin kay Nel at sinenyasang lumabas.

Nagtatakang tumingin sa akin Nel bago tumayo at lumabas.

Unti unti itong lumingon sa akin, ang kaninang blankong ekspresyon ay biglang lumambot.

Hindi ako umiwas ng tingin dahil pamilyar ang mata. Kaparehas ng... akin.

"My Aurelia." Doon ko nakumpirma kung sino siya.

Dali dali niya akong niyakap ngunit natutop ang bibig ko. Hindi ko alam ang gagawin ko at ang sasabihin ko.

Siya ang laging nasa panaginip ko. Siya ‘yong umiiyak na kasama ko. Siya ‘iyong yumayakap sa batang ako. Ang ngumingiti sa akin.

Dahan dahan kong iniangat ang mga kamay ko at niyakap siya pabalik.

Doon ay humikbi ako, hindi ko na naramdamang nag iisa ako. Doon ay naramdam ko ang yakap ng isang ina.

Serving The Heir's FatherWhere stories live. Discover now