Chapter Ten

421 15 0
                                    

"Sir!" nakangiting tawag ko kay sir Vince.

"What?" ismir niya sa akin. Umagang umaga napakasungit.

Ipinakita ko ang text sa akin ni Rafael, ang secretary ni Miss Janice, ang head ng Finance department.

Bago na nga pala ang cellphone na gamit ko, may bago siyang pangalan, si V. Si sir Vince kasi ang nagbigay sa akin nito. Mukha raw kasi akong kawawa sa dating cellphone ko.

Hindi naman e, gumagana pa nga 'yon.

"Sir, binigay na ni ma'am Janice 'yong documents na kailangan niyo." tugon ko sa kaniya dahil hindi naman niya binasa ang nasa text.

Hindi kasi naalis ang tingin niya sa laptop niya.

"Go and get it." tumingin siya sa akin saka iginalaw niya ang ulo niya at bahagyang itinuro ang pintuan.

Sumimangot naman ako sa kaniya, hindi niya ako pinansin at muli nanamang humarap sa laptop.

"Ano kasi sir... sa Batangas daw po kasi 'yon." itinago ko na ang hawak kong cellphone at niyakap na lamang ang folder na dala ko rin kanina pa.

"So?" kinunutan niya ako ng noo.

"Hindi ko po alam papunta sa Batangas." pekeng ngiti ko. Wala nga akong ibang alam na lugar, ang Bataan lamang ang alam ko.

Tumingin muna siya bago tumango. "Okay, we'll see kung ano magagawa ko."

"Sige, sir!" umalis na rin naman ako dahil mukhang ayaw niya naman akong kasama sa loob ng opisina niya. Secretarya niya ako at sa labas lamang ng opisina ang lamesa ko.

Paglabas ko ron ay sinalubong ako ni Jasmine, isa ring empleyado rito. "Pauline."

"Bakit?" tiningnan ko siya, hinihingal pa nga.

"May tao sa lobby, hinahanap si sir Vincent." tinuturo niya ang pintuan papunta sa lobby.

"Ah sige, sabihan ko lang." tango ko.

"Bilisan mo ha, ang sungit kasi e. Nakakatakot siya." turan niya kaya ngumiti na lamang ako at tumango, dumeretso naman na siya sa lamesa niya.

"Sir?" kumatok muna ako bago ako tuluyang pumasok.

"Hmm?" hindi niya ako tinignan.

"May naghahanap daw po sa inyo sa lobby." doon ay tinignan niya ako. Kumunot ang noo niya, marahil inaalala kung sino ang taong 'yon.

Bumuntong hininga naman siya saka dali daling lumabas, sumunod naman ako sa kaniya.

Nang makarating sa lobby ay nakita ko ang isang babae.

Kulay pula ang buhok niya, abot ito hanggang ibaba ng dibdib. Napaka ganda niya, napaka pula ng mga labi. Mayroon itong kulang brown na mga mata. Halatang mayaman ito, sa pananamit niya pa lamang, halatang ni alikabok hindi dadapo sa kaniya. Sopistikadang babae.

Dumako ang tingin niya sa akin kaya natigil ang pagtitig ko.

"Who are you?" masamang tingin ang ipinukaw nito sa akin. Napaatras naman ako nang bahagya.

Nakakatakot siya.

"She's my secretary." si sir Vince ang sumagot dahil tila nawalan ako ng dila sa paraan ng pakikiusap niya sa akin.

"K, I want to talk to you in private." ngumiti siya kay sir Vince bago tumingin sa akin saka tinaasan ng kilay.

Bumuntong hininga ni sir bago ako harapin at papasukin na sa loob.

"Sige po, ma'am, sir." ngiti ko sa kanilang dalawa. Hindi naman ako pinansin ni sir at nauna nang maglakad palabas ng building.

Inirapan lamang ako ng babae.

Serving The Heir's FatherWhere stories live. Discover now