Chapter Fifteen

447 14 2
                                    

"Ang gwapo gwapo naman ng anak ko." Nakangiting inayos ko ang buhok ng anak ko.

Balak naming magsimba ngayon, pagpapasalamat na rin sa mga biyayang natatanggap namin at sa unti unting pagkabuti ng pakiramdam ni Xyphere.

Kaarawan niya na rin kasi bukas.

Sinuotan ko siya ng face mask, sabi ng doctor ay ayos lang na ilabas ko siya basta soguraduhin kong hindi siya masyadong maarawan.

Nang makarating kami sa simbahan ay umupo na kami kaagad, ako ay agad na lumuhod bilang respeto pagkatapos ay umayos na rin ng upo para hintayin ang pagsisimula ng misa.

"We can't dictate love. Kahit na ayaw pa nating umibig muli kapag nariyan na siya, wala ka ng magagawa because your heart will decide, but remember that you own that heart, you have the right and capability to refuse." Nangingiti ako habang nakikinig sa sermon ng pari.

Hindi naman siguro pagiging malandi ang pagkakagusto ko sa kaniya, hindi ba?

Kailangan ko ring pag isipan talaga nang mabuti.

Napatingin ako kay Xy, sumingkit ang mata niya, nakangiti siya, hindi ko kita dahil naka face mask siya.

Mahal ko na nga ba si Sir Vince? Pero hindi ko alam kung ano ba talaga ang pagmamahal, kakaiba naman 'yon sa pagmamahal ko bilang isang magulang.

"Ma... Ishcream," Nakangusong aniya, nakangiting tumango ako sa kaniya.

Itinuro niya ang Ice cream shop sa tapat ng simbahan.

"Chocolate gusto mo, nak?"

Tumango naman siya, hinayaan ko muna siyang umupo roon, habang ako ay umorder.

Pagbalik ko'y nakita ko siyang nakapatong ang kamay niya sa mesa, tahimik lang at tumitingin tingin sa paligid.

"Eto na, anak." Ibinaba ko ang ice cream sa mesa.

Red couch ang inuupuan namin, magkaharap. May mesa sa gitna nito, parang kaparehas lang ito ng mga sikat na fastfood chain.

"Wow!" Ingat na ingat niya kinuha ang ice cream niya kahit na nakabaso naman ito.

Natatawa nalang ako sa kasiglahan niya habang nilalantakan ang ice cream.

"Buhay ka pa pala." Isang babae ang lumapit sa amin, napatingin ako sa kaniya at agad akong kinilabutan.

Parang kilala ko siya. Biglang sumakit ang ulo ko, parang mayroong mga ala-ala ang pumasok sa ulo ko.

"S-sino ka?" Nanghihinang tanong ko sa kaniya, hindi siya nagsalita pero nakita ko ang pagngisi niya bago siya naglakad paalis.

"Ano kayang sasabihin ni Don Joaquin kapag nalaman niya ito?" Isang boses ng babae ang narinig ko, kilala ko ang boses na 'yon.

Nananakit na ang kamay kong nakagapos, nakapiring ang mga mata ko at tanging dilim lang ang nakikita ko.

Ramdam na ramdam ko na rin ang lagkit ng katawan ko dahil sa pawis.

"Wala, dahil hindi niya naman 'to malalaman. He's weak, he can't do anything about it." Tila nanghina ako nang marinig ang usapan nila, ang boses na 'yon.

Isa sa pinakapinagkakatiwalaan ko, paano nila 'to nagawa sa akin?

"Ma..." Napakurap ako nang marinig ang boses ng anak ko. Tinignan ko siya, nag aalala siya. Nginitian ko siya pero agad niya akong niyakap. Gusto kong umiyak, sino ba ang babaeng 'yon.

Serving The Heir's FatherWhere stories live. Discover now