Simula

1.8K 79 25
                                    

Disclaimer:

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental

***

There are grammatical and typographical errors that can be seen in this story. You can correct me, I'm always open for constructive criticism.

***
All rights reserved. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, without the prior permission of the author.

*****


Simula
   

Ako si Alexa, Alex for short at kasalukuyan ako ngayon naglalakad pauwi sa probinsya kung saan ako isinilang.

Dalawang taon din ako nasa Manila para magtrabaho at ngayon ko lang naisapan umuwi nang makaipon na ng sapat na pera.

Patay na ang mga magulang ko at ang tanging natitirang kamag-anak ko na lang ay ang aking Tiya Isabel na kapatid ni Mama.

"Saan ang punta mo, hija?" Tanong sa akin ng matandang babaeng nakasalubong ko sa daan dito sa kakahuyan.

"Dito po sa Santa Lucia." Magalang na sagot ko nang huminto.

Nakita kong sinuri ako nito. "Mag-iingat ka rito sa kagubatan, hija, lalo na at maggagabi na."

Nginitian ko ito. "Maraming Salamat po sa pag-aalala, Lola."

Maglalakad na sana ulit ako paalis nang magsalita pa ulit ito.

"Tuloy lang sa paglalakad at iwasan ang mamangha sa mga bulaklak na makikita."

Magsasalita sana ako para magtanong tungkol sa sinabi nya nang mabilis na syang tumalikod at naglakad papalayo.

Anong ibig sabihin ng matandang 'yon sa sinabi?

Nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi na pinansin pa ang sinabi ng matanda.

Ilang minuto ang lumipas sa paglalakad at madilim na ang langit nang huminto ako para kunin ang flashlight sa loob ng bag.

Buti na lang ay may dala ako nito bago umuwi. Binuksan ko iyon at tinutok 'yon sa daan bago nagpatuloy ulit sa paglalakad ng makarinig ako ng isang sit-sit.

"Sino 'yan?" Tanong ko at inikot ang flashlight sa buong paligid at nakitang walang kahit sino ang naroon maliban sa puno ng Acacia na nasa tabi ko at mga tanim na rosas sa tabi nito.

Dati lang ay walang puno ng acacia ang nakatanim dito sa parteng ito kaya nagulat ako nang may makita.

Nakapagtataka lang na malaki na kaagad ito kung may nagtanim man sa nakalipas na dalawang taon.

Lumapit ako sa mga tanim na rosas na nasa tabi lang nito at naisipang pumitas ng ilang piraso para ilagay sa flower base na nabili ko kanina lang sa bayan.

Halatang mga bagong bunga ang mga rosas dahil sa fresh na fresh pa na kulay nito. Sino kaya ang nagmamay-ari sa mga ito?

Naging abala ako sa pag putol ng mga bulaklak. Hindi ko na inalala pa ang sinabi ng matanda kanina at nagpatuloy pa. Nang matapos ako ay saka ako nakarinig ng isang pagtikhim.

"Buti naman at tapos kana. Halos maubos mo na lahat ng mga bungang bulaklak." Malalim na boses na nanggagaling sa itaas na bahagi ng puno ng Acacia kaya daling umangat ang tingin ko at doon ay may nakita akong isang nilalang na nakaupo sa malaking sanga no'n at humihithit ng tabako.

"Tangina." Gulat na bulong ko sa sarili habang nakikipag titigan pa sa nilalang na nasa tapat ko. Napatakip pa ako ng sariling bibig dahil sa gulat.

Totoo nga pala talaga ang mga kapre pero bakit kakaiba ang isang ito? Maganda ang itsura nito at mukhang nag gi-gym dahil sa magandang katawan rin nito na may anim na pandesal pa. May mahaba itong buhok na hanggang balikat ang haba. Ang mga mata nito ay kulay berde.

Pero nakakapagtaka lang na hindi mabuhok ang katawan nito. Sa pagkakaalam ko kasi ay mabuhok ang mga kapre.

Nanatili akong nakatitig dito.

"Magtititigan lang ba tayo rito o sisimulan mo nang tumakbo ngayon?" Seryosong tanong nito at bumuga ng isang malaking usok galing sa bibig.

"M-mga bulaklak mo ba 'yan?" Nagawa ko pang mag tanong sa kanya. Hindi ko alam kung bakit hindi ako masyadong nakakaramdang ng takot.

"Ano sa tingin mo?" Inis na tanong nya at tinapon ang upos ng sigarilyo sa tabi. "Tss, alam mo bang pinaghirapan kong itinamin ang mga 'yan at palakihin?"

"Pasensya na," Paghingi ko ng tawad na ikinakunot ng noo nya. "At hindi ako nakapag paalam sa iyo bago pumitas."

"Kakaiba ka." Mangha na sambit nya sa akin. "Hindi ka ba natatakot?"

"Hindi," Mabilis na sagot ko. Mukha namang walang matatakot sa kanya dahil sa magandang pisikal na anyo nya.

"Talaga? Hindi ka ba natatakot na baka dalhin kita sa mundo namin at gawin kang asawa?" Seryoso nyang sambit sa akin.

"Bakit, gagawin mo?" Balik na tanong ko. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng pag ka-komportable sa kanya kahit isa syang nilalang na dapat ay katakutan ko.

"Oo," Mabilis na sagot nya na kaagad nya rin palang binawi. "Hindi pala, hindi kita type."

Napanganga ako sa gulat. Wow.

Bigla akong nainis. "Edi, ikaw na 'yong choosy."

Nakita kong umirap sya at tinignan ako ng masama. "Hindi ka pa ba, aalis? Gusto ko ng mag pahinga at pa salamat ka talaga at hindi kita type."

Kailangan pa bang ulit-ulitin?

"Ano?" Tanong nya pa sa'kin nang makitang hindi pa ako umaalis.

"Pwede bang humingi ulit ako sa susunod na araw kapag na lanta na ang mga ito?" Tukoy ko sa mga hawak kong bulaklak.

"Sige," Mabilis syang pumayag. "Pero sa isang kundisyon. Ikaw ang mag dilig sa kanila araw araw."

"Bakit? Hindi mo ba kayang gawin 'yon?" Tanong ko sa kanya. "Ang tamad mo naman palang kapre."

"Ayaw mo ba?" Seryosong tanong nya. "Kung ayaw mo naman pala ay huwag ka naring makahingi pa ng bulaklak dito."

"Jk lang." Mabilis na bawi ko. "Sige, ako nang mag didilig sa kanila araw-araw."

"Anong 'jk'?" Curious bigla na tanong nya. Hindi nya pala alam ang ibig sabihin no'n.

"Jk, short for "just kidding"." Paliwanag ko habang nakangiti. Ang cute nya pala kapag nakakunot ang noo. "Ibig sabihin sa tagalog ay "Biro lang" binibiro lang kita."

"Ayos na," Umiwas sya ng tingin pagkatapos. "Pwede ka nang umalis."

"Sandali lang," Sambit ko no'ng may maalala. "Ano nga pala ang pangalan mo?"

"Tss, wala akong pangalan." Mabilis nyang sagot nang hindi lumilingon. "Alis na."

"Sige, paalam, Lucas." Nakangiting sambit ko na ikinalingon nya ulit bigla sa akin. "Lucas na lang ang pangalan mo!" Pahabol na sigaw ko nang medyo makalayo-layo na ng lakad.

Pero bakit ang pogi ata ng kapre na 'yon? Kakaiba.

Magandang Umaga, LucasWhere stories live. Discover now