Prologue

16.6K 665 69
                                    

"You must be the fiancée of Azariah Knight."

Mabilis akong napalingon ng may marinig akong boses mula sa aking likuran at bumungad ang isang lalaking naka-itim na may naglalarong ngiti sa mga labi.

"Sino ka? Nasaan ako? Anong kailangan mo sa 'kin?" Ramdam ko ang pagbalot ng kaba sa aking dibdib dahil sa mga tingin niya na alam kong may masama binabalak.

Ngumiti naman ito ulit at nagpamulsa. "Ang dami mong tanong." 

Kusa akong napaatras ng humakbang siya palapit. Pabilis nang pabilis ang pagkabog ng puso ko at hindi ako makapag-isip.

Max, kumalma ka.

"Scared?"

Napakurap ako sa gulat dahil sa isang iglap lang ay nawala siya sa harap ko kasunod ng pagtaas ng balahibo ko sa batok.

Ramdam ko na naman siya sa likuran ko at hindi ko maiwasang mapakuyom ang mga kamay dahil sa inis.

Ako? Natatakot?

"Asa ka!" Sambit ko at mabilis na humarap sa kanya kasabay ng isang sipa.

Tinamaan ko siya sa pisngi na nagpabaling ng kanyang mukha pero kumunot ang noo ko nang dahan-dahan niyang idiniretso ang kanyang ulo na parang hindi man lang nasaktan.

Suot niya pa rin ang malawak niyang ngiti kaya muling nabuhay ang kabang iwinaksi ko kanina.

"Not bad." Aniya at nagawa pang patunogin ang leeg na akala mo'y walang nangyari.

Sa muli kong pagkurap ay nawala na naman siya pero hindi na ako nag-aksaya ng panahon at hinanap ko agad siya dahil naramdaman ko na naman ang kanyang presensya sa likuran.

Bakit ba ang hilig niya pumunta sa likod ko?

"Brave girl." Bulong niya na nagbigay na naman ng kilabot sa akin dahil naramdam ko pa ang hininga nito sa bandang tainga ko.

Gusto ko sana siyang sikuhin pero hindi ko na maigalaw ang buo kong katawan! Anong nangyayari--

Umigtig ang aking panga sa biglang paghablot nito pababa sa buhok ko.

Sa puntong ito ay tuluyan na akong hindi makapag-isip nang maayos at nabalot na ng kaba ang buong sistema ko.

Kirot ang sunod kong naramdaman na nagpapikit sa akin nang madiin. Gusto kong sumigaw sa sakit pero pinilit kong tiisin dahil mas natatakot akong bumaon sa leeg ko ang matulis na bagay na nararamdaman kong dahan-dahang dumadausdos sa balat ko.

"Your blood smells so good." Wika ng lalaki na muling nagpatindig ng balahibo ko sa batok.

Pinakita niya pa sa akin ang daliri niyang may bahid ng dugo sa mahaba at matulis nitong kuko at doon ko naisip na iyon ang nakatutok sa leeg ko kanina.

Wala na akong maisip pang pwedeng gawin dahil kahit gusto kong lumaban ay hindi ko naman magalaw ang buo kong katawan sa hindi ko rin malamang dahilan. Mariin na lang ako ulit na pumikit kasunod ng luhang kumawala mula sa isang mata ko. Ayaw ko mang mawalan ng pag-asa pero mukhang ito na talaga ang katapusan ko.

Sa gitna ng mga tumatakbo sa isip ko ay bigla kong naisip si Aze. Nasaan na ba siya? Hindi niya ba ako hinahanap?

"Paano ba 'yan? Mukhang walang pakialam ang fiancée mo kahit mamatay ka ngayon." Bulong niya ulit at naramdaman kong inamoy pa nito ang aking leeg.

Sunod-sunod ng tumulo ang mga luha ko habang unti-unti kong tinatanggap ang aking magiging kapalaran.

Madaming tanong ang gumugulo sa isip ko pero pinili ko na lang na itikom ang aking bibig at hintayin ang sunod nitong gagawin.

Ilang segundo pa ang lumipas at isang malakas na kalabog ang nagpamulat sa akin. Naramdaman kong wala na rin ang lalaki sa likuran ko at wala na rin ang pakiramdam na nakabalot sa buo kong katawan at nagagawa ko na ngayong gumalaw.

Nang lumingon ako ay dalawang tao ang nahagip ng aking paningin. May isang nakahiga sa sahig habang ang isa naman ay nakatayo at nakatapak ang isang paa sa bandang dibdib no'ng taong nakahiga.

Sandali...

"Rot in hell, asshole."

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa pamilyar na boses na iyon ng taong nakatayo at nakatutok pa sa nakahiga ang hawak na baril.

Kilalang-kilala ko ang may-ari ng boses na iyon at hindi ako pwedeng magkamali.

"Aze?" Sambit ko.

Engaged with the Vampire QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon