Chapter 26

4.2K 309 37
                                    

Maxine's POV

Kanina pa ako naglalakad at hindi ko alam kung saan pupunta. Umalis kasi si Aze dahil may dinner meeting daw siya at ayaw niya naman akong isama kahit nagpumilit ako kanina.

Napabuntong hininga ako dahil hindi pa rin nawawala ang bigat ng pakiramdam ko. Para kasing may kakaiba kay Aze ngayon simula kahapon na nakausap niya si King Black. Dumagdag pa 'tong kumukulo kong tiyan kaya lalo akong hindi mapakali.

"Max."

Napalingon ako nang may tumawag sa akin at nakita ko si Edon na kabababa lang ng sasakyan.

"Uy, Edon. Anong ginagawa mo rito?" Takang sagot ko.

"Are you alone? It's not safe for you to walk around here lalo na't gabi na."

"Ano ka ba, kaya ko naman sarili ko, 'no." Sagot ko naman at napansin kong may bandage ang braso niya. "Teka, anong nangyari sa braso mo?"

"Ah, just had a minor accident. Anyway, kumain ka na ba?"

Bumalik ang nararamdaman kong gutom sa tanong niya kaya nakasimangot akong umiling. "Hindi pa nga e."

"Great. Hindi pa rin ako kumakain. Let's eat outside, my treat." Nakangiting yaya niya at hindi na ako nagdalawang isip na pumayag.

...

Pinagbuksan ako ni Edon ng pintuan nang pumasok kami sa isang restaurant at nagpasalamat ako. May isang babae ring staff ang lumapit sa amin at sandali siyang kinausap ng kasama ko. Parang kinikilig pa 'yong staff habang nag-uusap sila.

"Let's go," nakangiting baling sa akin ni Edon pagkatapos nilang mag-usap no'ng staff at naglakad na kami patungo sa table na puno ng iba't-ibang klase ng pagkain. "This is a buffet so you can eat all you can," sabi niya ulit pagkatapos akong abutan ng plato.

"Talaga?" Excited na sagot ko na lalong nagpangiti sa kanya habang tumatango.

"I know you will like here kaya dito kita dinala."

Kumuha na agad ako ng konting kanin at ilang ulam na sa tingin ko ay masarap. Gusto ko sanang tikman lahat pero mamaya na lang dahil hindi na kasya sa plato ko.

Pagkatapos naming kumuha ng pagkain ay dumiretso na kami sa table na for two.

"Kaya mong ubusin 'yan lahat?" Gulat na tanong ni Edon pagkatapos tumingin sa laman ng plato ko.

"Oo hehe." Kapag gutom na gutom kasi talaga ako ay kaya kong kumain nang madami.

Tiningnan ko naman ang plato niya at ako naman ang nagulat dahil doble ata ng laman ng plato ko ang laman ng sa kanya.

"Kaya mo ring ubusin 'yan?" Ako naman ang nagtanong.

Tumawa ito bago sumagot. "Yes, I can."

Natawa na lang din ako at nagyaya na kumain. Masarap ang lahat ng dishes nila at hindi ko na nga alam kung naka-ilang balik ako lalo na sa desert. Gano'n din naman si Edon kaya parehas kaming busog na busog pagkabalik namin ng sasakyan niya.

"Did you enjoy the food?" Tanong ni Edon pagkatapos i-on ang engine ng Aston Martin niya. Maganda rin talaga ang sasakyan nito ang halatang mamahalin katulad ng kay Aze.

"Sobra. Thank you, Edon. Ako naman ang magte-treat sa 'yo next time," nakangiting sagot ko.

"Sure. I'll look forward to that."

Tahimik ang buong byahe namin at tanging music lang mula sa sasakyan niya ang maririnig pero hindi naman awkward ang atmosphere. Parang sadyang parehas lang naman na gustong tumahimik.

Engaged with the Vampire QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon