Chapter 17

3.6K 321 18
                                    

Maxine's POV

Excited kong pinagmasdan ang sarili ko sa salamin pagkatapos kong magpalit ng damit. Pinahiram ulit ako kasi ni Aze at suot ko ngayon ay ang black sleeveless summer dress niya na lagpas sa tuhod ko ang haba.

Sabi niya rin naman kanina ay parating na raw si lolo maya-maya dala ang mga pinabili niyang damit ko.

Pagbaba ko ay naabutan ko siyang diretsong naka-upo at nakasandal ang likod sa sofa, prenteng naka-patong ang kanang hita sa kabila, at busy sa hawak na iPad.

Simula nang makasama ko siya ay marami na akong napansin sa mga ugali at gawi niya. Katulad na lang ngayon, malala mong tutok na tutok siya sa ginagawa niya kapag nakakunot ang noo nito. Sa mga ganitong panahon ay ayaw na ayaw niyang nagpapa-istorbo dahil mawawala ang focus niya.

Mukha rin talaga siyang elegante kahit saang anggulo at kahit anong suot. Casual lang naman ang suot nito na black leggings at black sleeveless top habang naka-ponytail ang buhok pero mukha pa rin siyang mamahalin. Grabe.

Tahimik akong naglakad patungo sa kanya pero bago pa ako maka-upo ay bigla itong tumingin sa akin.

Nakita kong gumalaw ang mga mata nito at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa nang dalawang beses. Bigla tuloy akong na-conscious sa sarili.

Hindi ata bagay sa akin ang damit niya.

"That dress looks good on you." Sabi nito bago nag-iwas ng tingin at ibinalik sa iPad niya.

Parang biglang nag-init ang pisngi ko sa narinig at tahimik akong umupo sa tabi niya. Mali pala ang iniisip ko. Ang hirap kasing mabasa ng iniisip niya.

"You are one week excuse in all your classes." Sabi niya ulit at habang busy na naman sa hawak nito.

"Talaga?!" Excited na sagot ko.

Sinundan ko lang siya ng tingin nang may kinuha siya sa tabi na lotion tube. Walang nakasulat na kahit ano at kulay itim lang ito kaya hindi ko malaman kung ano ba 'yon.

Naglagay siya sa kamay at nagsimulang magpahid sa braso.

Wait, sunblock ba 'yon o lotion?

"Ako rin, pahingi. Sunblock ba 'yan?" Sinahod ko ang kamay ko pero sinamaan niya naman ako ng tingin kaya napasimangot ako.

Kaya siguro ang putla-putla niya dahil ang dami niya maglagay ng sunblock.

"Let's go." Sabi nito pagkatapos tumayo. Itinabi niya na rin 'yong tube at mukhang wala talaga akong balak bigyan.

"Ikaw na lang. Kaya mo na 'yan." Sagot ko habang nakaiwas ng tingin.

Anong akala niya? Siya lang ang may kayang magsungit? Huh! Don't me.

"What the hell?" Bakas na ang inis sa tono ng boses niya pero nanatili akong nakatitig sa nakasarang laptop. "What's wrong with you?" Muli niyang sabi pero nagkibit-balikat lang ako.

"I thought you want to go to the beach?"

Pumikit muna ako at bumuntong hininga para pakalmahin ang sarili bago ko siya tuluyang binalingan.

"Nanghihingi kasi ako sa 'yo ng sunblock pero ayaw mong mamigay."

"That's not a typical sunblock." Sagot niya na halatang nagpipigil ng inis. "I tell Benjamin to buy you one if that's what you want."

Bumuntong hininga ako ulit. Parang pare-parehas lang naman ang mga sunblock. Ano bang mayroon do'n sa sunblock niya? Ang damot talaga minsan nito ni Aze.

"I'm not selfish." Giit niya.

Bahagya akong nagulat dahil sa pagkakaalam ko ay sa isip ko lang naman iyon pero sumagot siya. O baka hindi ko napansin na nakapagsalita na talaga ako?

Engaged with the Vampire QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon