Chapter 4

5.7K 390 152
                                    

Maxine's POV

Hindi ko namalayang tumigil na pala ang sasakyan dahil pakiramdam ko ay lumulutang pa rin ako.

"The news leaked that fast huh?" Dinig kong sabi ni Aze at bumukas ang magkabilang pintuan sa gilid namin. "Follow me."

Kahit medyo nahihilo pa ako ay pinilit ko na ring bumaba ng sasakyan at sinundan siya papasok sa loob ng bahay. Dumiretso kami sa kwarto niya at hingal na hingal ako ng makarating kami ulit sa kanyang mini office dahil sobrang bilis niyang maglakad.

"Sign it now." Seryoso niyang utos pagkatapos buksan ang itim na folder sa ibabaw ng table niya.

Iyon na namang papel na kanina niya pang umaga pinapapirmahan sa akin ang laman no'n kaya nagsalubong ang mga kilay ko.

"Ayaw ko ngang pirmahan 'yan. Bakit ba ang kulit mo?"

"If you will not sign that paper, your cousin and your aunt will be in danger."

Lalo akong nakaramdam ng inis sa sinabi niya kaya hindi ko na naman napigilan ang sarili na sumagot.

"At bakit naman sila nadamay dito? Bina-blackmail mo ba ako? Siguro ikaw ang nagpadala ro'n sa mga men in black na 'yon para matakot ako at pirmahan na 'yan 'no?"

Mataray niya akong inirapan saka inabot ang wine glass sa ibabaw ng table niya.

"Blackmailing someone is not my thing and I don't have any reason to do that. And about those guys that you encountered earlier, they're not my men. I'm pretty certain that they were sent by one of my enemies." Seryosong sagot niya pagkatapos ay uminom sa hawak na baso.

Gulong-gulo na nga ako sa mga nangyayari tapos ngayon lalo pa akong nagugulohan dahil sa mga pinagsasabi niya na hindi ko maintindihan.

"If you want to protect your family, you better sign that now." Dagdag niya pa.

Ayaw ko mang isipin pero hindi rin talaga maganda ang pakiramdam ko at nakakakaba rin ang mga sinabi niya lalo na at damay na ang pamilya ko.

Malaki kasi ang chance na totoo ang sinasabi niya dahil nga sa nangyari sa akin kanina at pwede rin silang saktan ng mga men in black na 'yon.

"Pipirmahan ko 'to pero may gusto muna akong itanong." Diretso ko siyang tiningnan sa mga mata habang sinasabi ko 'yon at ginaya ko rin kung paano ang pagiging seryoso niya.

"Spill it."

Hindi ko pinutol ang tingin namin sa isa't-isa hanggang sa magsalita ako.

"Mahal mo ba ako?"

Pagkasabing-pagkasabi ko no'n ay bigla siyang napaubo. Ibinaba niya rin ang hawak na baso at kunot-noong ibinalik ang tingin sa 'kin.

"Come again?"

"Sabi ko, mahal mo ba ako? Hindi ba nagpapakasal lang ang dalawang tao kapag mahal nila ang isa't-isa?"

Ganoon naman talaga 'di ba? Bakit parang hindi niya alam 'yon?

"Will you stop talking and just sign that freaking paper?" Iritableng sabi niya at hagod sa buhok nito.

Padabog akong kumuha ng ballpen at mabilis kong pinirmahan ang papel. Wala namang mali sa tanong ko pero siya pa itong may ganang mainis.

"Since prenuptial agreement pa lang naman ito, hindi muna tayo ikakasal hangga't hindi pa natin sigurado kung mahal natin ang isa't-isa. Magpapakasal lang tayo kapag sigurado ka na kung mahal mo talaga ako at syempre kung ganoon din ang nararamdaman ko sa 'yo. Deal?"

"That will never happen." Dinig kong bulong niya pagkatapos umirap at muling kinuha ang baso niya sa lamesa. "Check the second page."

Tahimik kong sinunod ang utos niya dahil ayaw ko na ring makipagtalo. Ginagawa ko lang naman ito para maprotektahan sina tita at Coleen.

Engaged with the Vampire QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon