Chapter 20

4.1K 343 41
                                    

Maxine's POV

Paakyat na sana kami sa taas kung nasaan ang guest room nina Lloyd nang biglang magising si Aze. Huminto kami sa paglalakad dahil parehas namin siyang inaalalayan ni Lloyd. Hindi ko siya kaya kaya nanghingi na ako ng tulong.

"Wait, what's happening?" Takang tanong ni Aze habang nakatingin sa 'kin at nakahawak sa ulo niya.

"Bigla kang nawalan ng malay kanina after mo uminom. Aayat na muna sana tayo sa guest room para maihiga ka namin."

Tumingin naman siya kay Lloyd na nasa kabilang gilid niya at agad niyang inalis ang kanyang braso sa balikat nito.

"What the hell?" Sambit pa niya na parang kinilabutan sa naabutan kanina.

"Ikaw na nga 'tong tinulungan, ikaw pa 'tong parang... tss." Sabi naman ni Lloyd sa tonong naiinis.

"We're going home." Ani Aze at hinawakan ang kamay ko.

"Kaya mo na ba? Okay ka na?" Nag-aalala ko namang tanong habang pinagmamasdan siya.

Mukha namang okay ang hitsura niya pero kinakabahan pa rin ako.

"I'm fine now. I can drive us home."

"Sigurado ka ba? Pwede ko naman kayong ipahatid sa driver namin." Si Lloyd na magkasalubong pa rin ang mga kilay.

"I said I can drive." Sagot naman ni Aze at seryoso ulit na binalingan si Lloyd.

Ilang segundo pa silang nagtitigan na parang nagsusukatan ng tingin kaya sumingit na ako sa pagitan nila.

"Okay, tama na 'yan. Lloyd, uuwi na kami. Mukha namang okay na talaga si Aze. Huwag ka na mag-alala."

Hindi sumagot si Lloyd at hinila naman ako ni Aze papunta sa may pintuan para makalabas. Diretso kaming lumabas ng gate hanggang sa makarating sa tapat ng naka-park niyang sasakyan at sumakay.

...

Kinabukasan ay maayos akong nag-ayos. Nag-text kasi sa akin kagabi si Coleen na saman ko siyang mag-mall para raw magka-bonding kami dahil matagal na rin kaming hindi nagkakasama.

"Where are you going?" Tanong ni Aze na nakataas ang isang kilay nang maabutan ko sa sala.

"Nagyaya si Coleen mag-mall. Hindi na raw kasi kami masyadong nakakapag-bonding simula ng lumipat ako rito." Ngumiti ako dahil ang aga-aga ay nagsusungit na naman siya.

"With Coleen and the others?" Tanong niya ulit at na-gets ko naman agad kung anong ibig niyang sabihin.

Umiling ako. "Hindi ko alam kung kasama sina Lloyd pero sabi naman ni Coleen, kaming dalawa lang daw."

Bigla niyang sinara ang laptop na nasa harap nito pagkatapos ay mabilis na tumayo. Kumunot tuloy ang noo ko.

"Let's go." Aya niya pagkatapos kuhanin ang jacket nito na nakasampay sa armrest ng sofa.

"Huh? Aalis ka rin? Saan ka pupunta?"

"I'll go with you." Sagot niya habang isinusuot ang kanyang leather jacket.

"Teka, hindi ka ba pupunta sa Bloodstone?" Takang-taka talaga ako habang pinagmamasdan siya dahil akala ko talaga ay aalis siya papuntang Bloodstone dahil sa suot niya.

"I changed my mind. I will go with you so can you stop asking more questions?"

Napa-pout ako ng irapan niya ako kaya hindi na lang ako nagsalita ulit hanggang sa makalabas kami ng bahay.

Agad akong pumasok sa loob ng sasakyan nang bumukas ang pintuan nito at tahimik na nag-seatbelt.

Gano'n din naman ang ginawa ni Aze sa tabi ko at pinaharurot agad ang sasakyan pagkatapos kong sabihin kung saang mall kami magkikita ni Coleen.

Engaged with the Vampire QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon