Chapter 14

4.2K 361 41
                                    

Maxine's POV

Inip akong nagpaikot-ikot habang nakaupo sa swivel chair ninAze dahil mag-iisang oras na ata ako rito pero wala pa rin siya.

Half day lang kami ulit kaya dito ako dumiretso pero hindi ko naman siya naabutan.

Huminto ako sa pag-ikot nang maisipan kong tawagan na lang siya kaya agad ko rin kinuha ang phone ko sa ibabaw ng table.

"What?" Sagot niya pagkatapos ng dalawang ring.

"Nasaan ka? Kanina pa kita hinihintay dito sa office mo."

"Why are you in my office? Did you skip your class?"

"Hindi ah! Hindi ako nagsi-skip ng class, 'no. Half day lang talaga kami ulit ngayon kaya ako dumiretso rito."

"Alright, I'll be there in five minutes."

"Okay!" Masayang sagot ko saka ibinaba ang tawag.

Sakto namang pagbaba ko ng phone ay bumukas ang pintuan.

"Ang bilis mo naman-" Hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil hindi pala si Aze ang dumating.

Isang babaeng matangkad, sobrang puti, at mahaba ang itim na buhok ang bumungad sa 'kin. Mukha siyang model kung titingnan at may suot na itim na fitted dress na medyo iksi.

"Where is Azariah? And why are you sitting on her chair?" Mataray niyang sabi habang nakataas ang isang kilay.

Medyo nakakatakot siya kaya mabilis akong tumayo. "Hindi pa siya bumabalik."

"Okay, get me a cup of coffee." Utos niya habang naglalakad palapit sa akin. Kinunotan ko lang siya ng noo hanggang sa umupo siya sa swivel chair na inuupuan ko kanina. "What are you waiting for? You're Azariah's secretary, right?"

Maganda sana siya at maganda rin ang kilay pero hindi nakakatuwa ang pagtataray at pautos-utos niya.

"Hindi niya ako secretary." Sagot ko.

"You're not? Then who are you and why are you here?"

"Ako si Maxine Gonzales, Max for short at nandito ako dahil-"

"I'm not interested to know your name. Sino ka para makarating dito? Do you even know where you are?" Mukhang naiinis siya pero naiinis din naman ako dahil wala naman akong ginagawa para sungitan niya.

Sanay na ako kay Coleen at Aze na masungit, at ayaw kong may dumagdag pa.

"Fiancée ako ni Azariah." Diretso kong sabi.

"Huh-What?!"

Napapikit ako dahil sa lakas ng boses niya. Grabe naman 'tong babaeng 'to, naririnig ko naman siya kanina nang malinaw, bakit pa niya kailangang sumigaw?

"Sabi ko, fiancée ako ni Aze- aray!"

Napahawak ako sa braso niya dahil bigla niyang hinablot ang mukha ko. Madiing nakapisil ang kamay niya at medyo masakit na dahil mahaba rin ang kuko nito.

"A-Ate, masakit. Ano bang problema mo?" Inis na tanong ko saka malakas na inalis ang kamay niya.

Nagtagumpay naman ako pero ang hapdi ng pisngi ko. Nakalmot pa ata ako ng kuko niya.

"You're kidding, right? Paano ka naman magiging fiancée ni Azariah? E 'di hamak naman na mas maganda ako sa 'yo." Natatawa niyang sabi habang pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa. Iyong tingin niya pa ay parang hinuhusgahan ang buong pagkatao ko.

Ano kayang problema ng babaeng 'to? Sinabi ko bang maganda ako? Pakialam ko kung mas maganda siya? Beauty pageant ba ang pagiging fiancée ni Aze?

Hindi ko na lang siya pinatulan kahit nakakainis siya at dahan-dahan kong hinawakan ang pisngi ko.

Engaged with the Vampire QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon