Chapter 5

5.5K 405 23
                                    

Maxine's POV

Nakakailang ang natanggap kong atensyon pagkababa ko ng sasakyan. Halos lahat kasi ng mga tao ay nakatingin sa 'kin at ang iba naman ay nagbubulungan pa.

"Susunduin na lang ulit kita mamaya, Max."Sabi ni lolo.

"Okay po, lolo. Thank you. Ingat po kayo."

Kumaway ako at hinintay na maka-alis ang sasakyan bago ako pumasok ng gate. Napabuntong hininga ako ng mapansin kong panay pa rin ang mga bulungan ng mga nadadaanan ko habang naglalakad ako sa hallway. Hindi ako sanay sa ganito kaya binilisan ko na lang ang paglalakad para makarating agad sa classroom.

"Bakit hindi ka umuwi kagabi? Huwag mong sabihing pumayag ka ng magpakasal sa babaeng 'yon?" Bungad agad sa 'kin ni Coleen pagkaupo ko pa lang sa tabi niya. Masama pa ang tingin nito kaya napakamot ako sa ulo.

"Sorry."

"Anong sorry? So ibig sabihin pumayag ka na nga?!" Ngayon naman ay pinanlalakihan niya ako ng mga mata na parang isang maling sagot ko lang ay sasabog na siya. Lalo tuloy akong kinabahan dahil nakakatakot talaga siyang magalit.

"Uhm... kasi..." Hindi ko alam kung anong dapat sabihin kaya hindi ko siya masagot. Baka kasi hindi siya maniwala sa dahilan ko at kung ano pang isipin niya dahil kakaiba rin mag-isip itong pinsan ko.

"Nasaan 'yang babaeng 'yan?"

"Nasa Bloodstone Company." Nakanguso kong sagot. Ang aga-aga niya naman kasi manermon.

"Anong nasa Bloodstone?"

"Coleen, alam kong mahirap paniwalaan pero siya pala ang may-ari ng company na 'yon at nandoon siya ngayon." Mahinahong paliwanag ko.

"Talaga? Pwes dalhin mo 'ko sa babaeng 'yan pagkatapos ng klase natin." Seryoso niyang sabi at wala na akong nagawa kung 'di ang um-oo.

...

Palabas na kami ngayon ni Coleen ng university at natanaw ko na rin ang sasakyan sa labas ng gate kaya binilisan ko na ang paglalakad. Paniguradong pag-uusapan na naman kasi kami nito ng mga tao.

Pagdating namin sa tapat ng sasakyan ay bumaba na rin si lolo at pinagbuksan kami ng pintuan.

Agad akong pumasok sa loob habang si Coleen naman ay naiwan sa labas kaya nagtataka ko siyang sinilip.

"Bakit ka pa nakatayo riyan? Tara na."

"Seryoso ba? Diyan talaga tayo sasakay?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Oo nga kaya tara na. 'Di ba sabi mo dalhin kita kay Aze?"

Dahan-dahan naman siyang pumasok sa loob at tahimik na umupo sa tabi ko. Mukhang naninibago rin siya dahil panay ang libot niya ng tingin sa paligid.

"Lolo, pwede po bang sa Bloodstone Company muna tayo pumunta?"

"Masusunod." Nakangiting sagot naman ni lolo at pinaandar na ang sasakyan.

...

Bumaba agad kami ni Coleen ng huminto ang sasakyan sa tapat ng Bloodstone. Hihintayin na lang daw kami ni lolo sa parking lot kaya umalis na rin ito agad.

Pagtingin ko kay Coleen ay nakatingala na ito sa napakataas na glass building sa harap namin. Twin towers pala ang Bloodstone Company na parang katulad sa New York pero hanggang dito pala ay dinala ni Aze ang pagkahilig niya sa black dahil kulay itim din ang dalawang building.

"Pinapatawag na tayo ng kamahalan sa loob."

Nakuha ang atensyon ko ng lalaking nagsalita. Parehas silang naka-black tux at shades ng isa pang kasama niyang lalaki at papasok na sila sa entrance ng building.

Engaged with the Vampire QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon