Chapter 16

4.2K 327 30
                                    

Maxine's POV

"Saan ba tayo pupunta?" Taka kong tanong dahil kanina pa kami nasa byahe.

Pagkatapos kasi no'ng nangyari sa hotel ay sa parking lot kami dumiretso. Hindi naman ito ang daan pauwi sa bahay kaya nagtataka ako kung saan kami pupunta. Kanina pa rin naman hindi nagsasalita si Aze at ayaw ko siyang kulitin pa.

Pagkatapos ng ilang minuto ay bigla akong may naalala kaya napatingin ako ulit kay Aze na seryoso pa ring nagda-drive.

"Iyong mga men in black pala, bakit sila naging abo?"

Kita ko ang sandaling pagtaas ng isa niyang kilay at ang paghigpit ng hawak nito sa manibela. Akala ko ay magsasalita na siya pero bumuntong hininga lang ito at nanahimik pa rin. Hindi pa rin kaya siya nakaka-recover sa nangyari?

Ibinalik ko na lang ang tingin sa labas dahil mukhang wala talaga siya sa mood magsalita. Mamaya na lang ulit siguro.

'Di nagtagal ay napansin kong paakyat na ang dinadaanan namin kaya lalo akong nagtaka at maya-maya ay ipinarada niya na ang sasakyan.

Nauna siyang bumaba ng sasakyan pero hindi ako nakalabas dahil doon ko lang naalala na nakayapak lang pala ako at naiwan ko ang heels ko sa hotel. Sa dami kasi ng mga nangyari ro'n ay hindi ko napansin ang mga nasa paligid ko.

"Why aren't you stepping outside?" Tanong ni Aze na nasa gilid ko na pala.

Napatingin ako sa paa ko at nahihiyang sumagot. "Naiwan ko kasi sa hotel 'yong heels ko kanina."

Nagulat na lang ako nang bigla akong buhatin ni Aze kaya napayakap ako sa leeg niya.

"Are you hungry?" Seryosong tanong nito habang naglalakad.

Hindi ako halos makatingin sa kanya dahil naiilang ako at sobrang bilis na naman ng tibok ng puso ko.

"H-Hindi naman."

Hindi na siya nagsalita ulit hanggang sa nasa tapat na pala kami ng isang bahay. Tanaw ko mula rito ang beach sa baba kaya manghang-mangha ako sa ganda ng view kahit gabi na.

Dahan-dahan akong ibinaba ni Aze at binuksan nito ang pintuan. Gawa sa kahoy ang buong bahay pero mukha itong modern cabin. Ang ganda ng interior pero as usual ay halos kulay itim ang mga gamit simula sa carpet, cabinet, at mga sofa.

"Sa 'yo 'tong bahay?" Tanong ko habang naglilibot ng tingin sa paligid.

"Yes. This is my rest house. I bought this years ago." Sagot naman ni Aze pagkatapos umupo sa sofa at pumikit. Umupo rin ako sa tabi niya.

"Aze." Hindi siya umimik kaya tinawag ko ulit. "Huy, Aze." Kinalabit ko na siya sa braso para pansinin ako.

"What?" Binuksan niya ang isang mata at sandali akong binalingan pero pumikit din ulit.

"Kanina pa kasi kita tinatanong tungkol do'n sa mga men in black kanina pero hindi mo naman ako sinasagot."

Tuluyan na siyang dumilat at tiningnan ako nang seryoso. "You really wanna know?"

"Oo." Desidido kong sagot.

"They are vampires."

Natigilan ako at hindi nakakurap dahil sa kanyang sinabi. Hindi ko alam kung anong mararamdaman at kusang nagkuyom ang aking mga kamay.

"T-Totoo ba ang sinabi mo?" Nakita ko ang pagtataka sa mga mata niya kaya umiwas ako ng tingin. Ngayon ko lang din namalayan na nanginginig na pala ang mga kamay ko dahil sa galit na mabilis na namuo sa dibdib ko.

"What's wrong?"

Umiling ako at madiing pumikit para pakalmahin ang sarili.

"Masasama talaga sila." Kusa na lang iyong lumabas sa bibig ko.

Engaged with the Vampire QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon