Chapter 12

4.1K 332 77
                                    

Maxine's POV

"Are you mad at me?" Tanong ni Aze pagkatapos mag-park ng sasakyan.

Hindi naman ako galit sa kanya, sadyang masama lang talaga ang loob ko at gusto ko munang manahimik.

Iniisip ko pa rin kasi kung paano niya nasira ang phone ko pero kahit anong galugad ko sa utak ko ay wala akong maisip. Depende na lang kung may super powers siya.

"Maxine," tawag niya ulit kaya napilitan na akong kausapin siya.

"Masama pa ang loob ko, Aze. Kailangan ko pa ng time. Mamaya na lang tayo mag-usap." Sagot ko habang nagtatanggal ng seatbelt.

"Fine." Dinig kong bulong niya at mabilis na lumabas ng sasakyan.

Lumabas na rin ako at tahimik kaming naglakad papunta sa entrance ng mall. Bigla na lang niya akong niyaya kanina na lumabas kahit hindi pa kami nakakakain kaya binigay ko na lang ang mga pagkain sa guards bago kami umalis.

Bawat madaanan naming tao ay napapatingin at napapasunod ang mga mata sa kasama ko dahil sino ba namang hindi? Nasabi ko na rin bang blonde ang mahabang buhok niya at bagay na bagay sa kanya?

Para akong may kasamang artista na nakasuot ng black sun glasses. As usual ay naka-all black ulit siya, black leather jacket at turtle neck shirt sa loob na naka-tuck in sa suot niyang black jeans na may itim ding belt, at sa paa naman ay itim na boots na lagpas ng ankle.

Dalawang beses kaming sumakay ng escalator hanggang sa pumasok kami sa isang shop. Sinalubong din agad kami ng staff at narinig kong sinabi ni Aze na bigyan siya ng latest model ng iPhone.

"Do you have a laptop?" Baling sa 'kin ni Aze.

Umiling lang ako bilang sagot dahil nanghihiram lang naman ako ng laptop kay Coleen noon kapag kailangan.

"Give me a MacBook and an iPad too." Sabi ulit ni Aze doon sa staff at mabilis itong umalis pagkatapos.

"Do you want anything?" Tanong ulit sa akin ni Aze pero umiling lang ako ulit.

Pagbalik ng staff ay inilabas nito sa box ang mga pinakuha ni Aze. After ma-check ang condition ay isa-isa na nitong inilagay sa paper bag at inabot sa kanya ni Aze ang black card nito.

Ang dami naman niyang binili e may laptop naman na siya sa bahay at sa office niya. Mayro'n din naman siyang iPad at phone. Masyado siyang magastos.

"Thank you for purchasing, ma'am." Sabi no'ng staff pagkatapos ibalik ang card ni Aze at tinanguan lang naman siya nito.

"Let's go." Sabi sa 'kin ni Aze sabay abot ng isang paper bag.

"Bakit—"

"That's yours, and these laptop and iPad too."

"Hala! Bakit mo ako binilhan?" Gusto ko biglang hilahin pabalik si Aze sa shop at isauli ang mga binili niya. Kung alam ko lang na para sa 'kin 'yon edi sana kanina ko pa siya pinigilan.

"Why? You need these in school so I bought them. I also broke your phone so I bought you a new one." Salubong ang kilay na sagot niya na parang nagtataka pa sa naging reaksyon ko.

"Pero kasi—"

"I don't accept rejections. End of discussion."

"Okay. Thank you sa pagbili sa 'kin ng bagong phone. Utang na lang muna 'yang laptop at iPad. Babayaran ko na lang sa 'yo kapag nakaipon ako."

Ilang segundo niya akong tiningnan bago siya pumikit at huminga nang malalim.

"I didn't buy these for you to pay me back. Keep your money. I don't need it." Inirapan niya ako at nagsimula ng maglakad.

Engaged with the Vampire QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon