Chapter 3

6.3K 417 68
                                    

Maxine's POV

Bigla akong napabalikwas mula sa pagkakahiga ng makita ko ang sinag ng araw mula sa bintana.

Una kong hinagilap ang cellphone ko sa bulsa upang tingnan ang oras at nakita kong saktong six pa lang ng umaga kaya medyo nakahinga ako nang maluwag. Mamayang tanghali pa naman kasi ang pasok ko.

Pagkatapos kong mapakalma ang sarili ay nagpalinga-linga naman ako sa paligid.

Nakakapagtakang napakalawak ng kwartong nakikita ko samantalang maliit lang kwarto namin ni Coleen at magkatabi pa kami sa maliit na kama--napatakip ako bigla sa aking bibig ng mapagtanto kong sumama nga pala ako sa babaeng hindi ko kilala kagabi!

Dahil sa naalala ay nagmamadali akong tumayo at dumiretso sa cr para maghilamos at mag-ayos ng sarili. Kailangan ko ng makaalis dito.

Pagpasok ko ng cr ay kumunot agad ang noo ko dahil pati ang tiles ay kulay itim maging ang towel at bathrobe. Napapaghalataan ko na talagang favorite color niya ang black.

Nang matapos naman akong mag-ayos ay lumabas na ako ng kwarto. Sobrang nakakapanibago sa bahay na 'to dahil kahit umaga na ay sobrang dilim pa rin dahil sa mga nakasaradong bintana na may makapal pang itim na kurtina.

Napakamot tuloy ako sa ulo habang pinagmamasdan ang paligid. Nakababa na kasi ako ng hagdan at dahil mukhang wala talagang ibang tao rito ay napagpasyahan ko na lang na ako na ang magbubukas ng mga bintana.

Kahit ito na lang ang magawa ko dahil nakitulog naman ako rito kahit na hindi ko talaga alam kung bakit ako sumama sa kanya. Hay. Mabuti na lang talaga at hindi siya masamang tao.

Habang nagbubukas ako ng mga bintana ay naisipan kong mamaya na lang uwi. Gusto ko muna siyang makausap dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan ang nangyayari. Marami akong mga tanong na sa tingin ko ay alam niya naman ang sagot.

Sobrang laki talaga ng bahay niya pero mukhang wala man lang siyang kasambahay. Kaya siguro nakasara lang rin ang mga bintana dahil walang nagaasikaso rito. Pero paano niya kaya name-maintain ang paglilinis sa napakalawak na lugar na 'to? Kahit kasi madilim ay wala naman akong nakitang alikabok at sobrang linis din talaga ng paligid.

Napangiti ako pagkatapos buksan ang huling bintana dahil sobrang umaliwas ang bahay. Ang gaan sa pakiramdam 'di katulad kanina na napakadilim at wala man lang fresh air na pumapasok.

Lumingon ako sa staircase pero mukhang tulog pa siya kaya hinanap ko na lang ang kusina para magluto ng breakfast. Nagugutom na rin kasi ako at hindi naman siguro masamang magluto, ano? Ipagluluto ko rin naman siya e.

Naglakad-lakad pa ako para hanapin ang kusina dahil nakalawak nga ng bahay at mabuti na lang ay madali lang itong mahanap.

Nilapitan ko agad ang malaking side by side refrigerator at namangha ako ng makitang punong-puno ang loob nito.

Ilang minuto pa akong nagtingin-tingin ng pwedeng lutuin hanggang sa mapagpasyahan kong mag-fry na lang ng hotdog, bacon, and egg. Naghahanap ako ng bawang para sana sa fried rice pero kahit anong halughog ko ay wala akong makita sa ref or kahit sa mga cabinets.

"WHAT THE FUCK?!"

Muntik ko ng mabitawan ang plato na inaayos ko sa napakahabang dining table ng marinig ko ang napakalakas na sigaw na 'yon.

Patakbo akong lumabas ng kusina at dumiretso sa living area at doon ko naabutan ang babaeng naka-suot ng itim robe na nakapatong sa itim niya ring nighties habang nakatayo sa pinakataas ng staircase. Nandoon siya sa part na medyo madilim at hindi abot ang sinag ng araw.

Confirmed. Mahilig nga siya sa black.

"G-Good morning..." Alanganing bati ko dahil halata sa mukha niya ang galit.

Engaged with the Vampire QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon