Chapter 2

6.9K 442 125
                                    

Maxine's POV

Naglalakad na ako pauwi pero kanina ko pa rin nararamdaman na parang may sumusunod na naman sa akin. Gusto ko sanang isip na si Lloyd ulit iyon pero sa tuwing lumilingon ako ay wala namang tao.

Gabi na rin kaya hindi ko maiwasang kabahan lalo pa't parang ganito ang mga napapanood kong horror movies. Iyong kapag lumingon ang bida bigla na lang may bubungad sa kanyang duguang multo--wah! Kinikilabutan na tuloy ako.

Binilisan ko na lang ang paglalakad at mabuti na lang din ay malapit na ako sa appartment. Wala sanang lumabas na multo o kung ano mang masamang elemento dahil baka himatayin talaga ako.

"Max-"

"Waaah!" Napasigaw ako nang malakas ng may humawak sa balikat ko at hindi ko na rin napigilan ang sarili na kumaripas ng takbo.

Hingal na hingal tuloy akong nakarating sa tapat ng apartment at pagtingin ko sa pinanggalingan ko ay nakita ko si Lloyd na tumatakbo rin papunta sa direksyon ko.

"Oh goodness. Ang bilis mo rin pa lang tumakbo." Habol hiningang sabi ni Lloyd ng tuluyan itong makarating sa tapat ko.

"Sandali... ikaw ba 'yong humawak sa balikat ko kanina?" Tanong ko.

"Yes. Nagpababa lang ako sa driver ko no'ng nakita kitang naglalakad kasi sasabayan sana kita pero bigla ka namang tumakbo." Paliwanag niya kahit halatang hinihingal pa rin.

"Kanina ko pa kasi nararamdaman na may sumusunod sa 'kin pero wala namang tao kaya natakot ako sa 'yo. Akala ko kasi multo na e. Sorry."

Tumawa naman si Lloyd at pinisil ang pisngi ko. "Ang cute mo talaga kahit kailan."

Nawala ang atensyon ko kay Lloyd ng may mapansin akong pamilyar na lalaki sa 'di kalayuan.

Teka, siya iyong nakatayo sa labas ng restaurant kanina!

"Max."

Dinig kong tawag ni Lloyd kaya napakurap ako pero pagbalik ko ng tingin sa lalaki ay nawala na naman ito.

Bigla na naman akong kinilabutan at ramdam ko ang pagtaasan ng balahibo ko sa braso.

Hindi kaya multo talaga si kuyang naka-itim?

"T-Tara na nga, Lloyd. Pasok na tayo sa loob." Hinila ko na si Lloyd papasok ng apartment ni Coleen pero sakto pagpasok namin ay naabutan ko naman si Tita Coreen sa sala.

"Tita!" Excited na sambit ko at agad ko siyang nilapitan para yakapin.

"Oh, kumusta? Kasama mo pala si Lloyd. Teka, bakit pawis na pawis ka?" Tanong ni Tita Coreen pagkatapos naming magyakap.

"Kasi naman po itong si Lloyd, tita. Nakakagulat kanina akala ko multo na. Napatakbo tuloy ako pauwi rito." Kwento ko na ikinatawa naman ni tita.

"Black belter pero duwag naman sa mga multo? Tss." Singit naman ni Coleen na biglang dumating galing sa kusina.

Ngumuso lang ako at 'di na sumagot. Anong magagawa ko? E sa nakakatakot naman talaga ang multo.

Nagpaalam na lang muna akong magbibihis para hindi na ako asarin pa ni Coleen. Si Lloyd naman ay inasikaso na ni tita kaya dumiretso na rin ako sa kwarto.

"Bakit po pala kayo napadalaw, tita?" Tanong ko ng maabutan ko silang nasa sala pa rin pagkatapos kong magbihis.

"Nandito ako para ipaalam sa 'yo na may bago ka ng titirhan kaya kunin mo na ang mga gamit mo." Excited na sagot ni Tita Coreen.

"Po? Saan naman po? Hindi na po ba ako pwede rito sa apartment ni Coleen?" Nag-aalalang tanong ko.

"At saan naman titira si Max, mama?" Tanong din ni Coleen at salubong na ngayon ang mga kilay.

Engaged with the Vampire QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon