Chapter 8

5.9K 396 80
                                    

Maxine's POV

Napailing ako ng makitang natutulog na naman si Coleen sa tabi ko. Kakarating pa lang ng prof namin pero wala talagang takot ang babaeng 'to.

Bumukas nang kaonti ang pintuan at may sumilip na lalaki. Pinapasok naman siya ni ma'am at biglang nanlaki ang mga mata ko ng mamukhaan 'yong lalaki.

Siya 'yong lalaki na tumulong sa 'kin kahapon sa supermarket!

"Okay class, I would like to introduce your new classmate, Edon Collins." Pakilala sa kanya ni Ma'am Castro.

Ngumiti si Edon at naglibot ng tingin hanggang sa mapatingin siya sa 'kin. Medyo malakas ang mga bulungan ng mga kaklase ko lalo na ng mga babae dahil may hitsura rin ito.

"Doon ka na lang umupo sa likod ni Ms. Gonzales." Sabi ulit ni Ma'am. "Max, please assist Mr. Collins."

"Dito." Wala sa sariling sambit ko habang nakataas ng kamay.

Tiningnan ko si Coleen ng mag-umpisang maglakad si Edon palapit. Gising na ang pinsan ko at nakatingin na rin sa bago naming classmate.

"Ano ginagawa niyan dito?" Dinig kong bulong niya bago ngumiwi.

"Kilala mo siya?" Takang tanong ko.

"Hindi." Tipid na sagot niya bago muling tumungo sa armchair niya.

Gusto ko sana siyang asarin pero mukhang wala ito sa mood kaya next time na lang.

Si Edon na lang ang nilingon ko ng makaupo na siya sa likod. Gusto ko talagang malaman kung siya 'yong nasa supermarket kahapon kaya kakapalan ko na ang mukha ko.

"Edon? Parang nakita kita sa supermarket kahapon. Ikaw ba 'yong tumulong sa 'kin na abutin 'yong chips?"

Nakangiti siyang tumango kaya napangiti na rin ako.

"It's nice to finally meet you, Max." Sabi niya at napatingin sa tabi ko.

Tiningnan ko rin si Coleen na pinapanood na pala kaming dalawa pero bigla akong kinilig ng magkatinginan ang dalawa. Ang lakas ng chemistry nila. Bagay!

"Ah Edon, si Coleen pala. Magpinsan kaming dalawa."

Tiningnan ko ulit si Coleen na masama na ang tingin sa 'kin e pinakilala ko lang naman siya.

"Nice meeting you both, ladies."

Kung titingnan ay mukhang mabait naman itong si Edon at magaan din ang loob ko sa kanya. Ewan ko lang talaga rito sa pinsan ko na ayaw ata sa lahat ng tao.

...

"Hi!" Bati ni Lloyd na naka-abang na naman sa labas ng room namin.

Babatiin ko rin sana si Lloyd pero nauna naman si Coleen na mabilis itong inakbayan.

"Nice! Libre mo ba kami ulit ni Max ng lunch, Lloyd?" Tanong ng pinsan ko na nagpailing naman sa 'kin. Basta talaga libre sumisigla 'tong babaeng ko.

"Sure. Saan niyo ba gustong kumain?" Sagot naman agad ni Lloyd.

"Pwede bang makisabay sa inyong mag-lunch?"

Sabay-sabay kaming napatingin sa likuran ko at doon nakatayo si Edon.

"Oo naman! Sabay ka na sa amin, Edon." Excited kong sagot saka ko tiningnan si Coleen at nakangiting tinaasan ng dalawang kilay. Inirapan niya naman ako.

"Teka lang, Max. Sino ba 'yang lalaking 'yan? Bakit isasabay mo sa atin?" Singit naman ni Lloyd na nakakunot na ang noo.

"Siya si Edon, bagong classmate namin ni Coleen. Edon si Lloyd, bestfriend ko." Pakilala ko sa kanilang dalawa.

Engaged with the Vampire QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon