Chapter 19

3.6K 281 26
                                    

Maxine's POV

"Happy birthday, Lloyd!" Bati ko nang pagbuksan niya kami ng pintuan.

"Thank you. Akala ko hindi na kayo dadating. Come in." Nakangiti niyang sabi pagkatapos naming magyakap.

Nilingon ko si Aze para yayain itong pumasok pero mukhang bigla itong nawala sa mood.

"Tara na, Aze." Aya ko na lang at hinawakan siya sa braso.

Pumasok kami sa loob ng bahay dahil dito napili ni Lloyd na ganapin ang kanyang birthday. Malaki naman ang bahay nila dahil galing din siya sa mayamang pamilya.

Dumaan kami sa living room at hindi ko maiwasang igala ang paningin ko sa paligid dahil ang daming naka-display. Mukhang mahilig din silang mag-hunt dahil simula sa sahig hanggang sa ding-ding ay galing sa mga hayop ang mga gamit. Iyong itim na carpet ay parang galing sa balat ng isang malaking hayop. Kung hindi ako nagkakamali ay parang balat iyon ng black bear. Sa wall naman ay naka-display ang iba't-ibang klase ng mga mahahabang baril.

"Dito tayo." Tawag ni Lloyd at dumiretso naman kami sa pool area nila.

Maingay at maraming tao. May mga naliligo na rin sa pool at kumakain sa kabilang side na may mga table. Friendly din kasi talaga si Lloyd kaya hindi na ako nagtataka na ganito karami ang mga bisita niya.

"Don't look at them."

Taka akong napatingin kay Aze dahil sa biglang sinabi nito.

"Huh? Sinong them?"

Seryoso niya akong tiningnan at naramdaman kong humigpit ang hawak niya sa kamay ko. "Those guys at the pool."

Kunot-noo akong napatingin ulit sa pool pero wala naman akong nakikitang kakaiba. May mga babaeng naka-swimsuit lang at lalaking topless na naliligo.

"Anong problema sa kanila, Aze? May mga men in black ba?" Bigla akong naalerto dahil ayaw kong masira ang gabing ito para kay Lloyd.

"None. I just don't want you to look at those naked guys." Sagot naman niya sabay pihit sa mukha ko papunta sa ibang direksyon.

Hinayaan ko na lang si Aze sa gusto niya kahit hindi ko pa rin ma-gets.

Nakarating kami sa mahabang table na nasa bandang dulo at nagpasalamat ako dahil wala masyadong tao rito.

May dalawa lang na naka-upo na pero agad na naningkit ang mga mata nang mamukhaan ang mga ito.

"Coleen!" Masayang tawag ko.

Mabilis naman siyang napatingin sa 'kin pero mukhang wala ito sa mood. May LQ na naman ba sila ni Edon?

Hinila ko si Aze para umupo at agad akong tumabi kay Coleen. Si Lloyd naman ay umupo sa tapat namin katabi si Edon.

"Uy, Edon. Kumusta?" Bati ko sa isa pang mukhang wala rin sa mood. Nginitian niya naman ako pero ramdam ko pa rin ang pagka-seryoso nito.

Confirmed. May LQ nga siguro 'tong dalawang 'to. Pero teka, ano naman kaya ang pinag-awayan nila? At bakit hindi nagsasabi si Coleen sa akin na sila na pala? Naku!

"LQ kayo ni Edon?" Bulong ko sa pinsan ko.

"Huh? Anong pinagsasabi mo?" Para atang lalo siyang nainis sa tanong ko.

"Parehas kasi kayong wala sa mood. Nag-away ba kayong dalawa bago kami dumating?"

Suminghap si Coleen saka pumikit nang madiin bago ako tiningnan ulit nang seryoso. "Huwag ngayon, Max. Tigil-tigilan mo muna ako at baka hindi kita matantsa."

Dahil sa banta niya ay hindi na lang talaga ako nagsalita pa. Mahirap na kapag mainit talaga ang ulo ng isang 'to.

"Hunter pala ang mga magulang mo, Lloyd?" Seryosong baling ni Coleen kay Lloyd. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan ka-seryoso kaya sobrang naninibago ako.

Engaged with the Vampire QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon