Chapter 15

4.7K 370 46
                                    

Maxine's POV

Hindi ko maiwasang mamangha habang pinagmamasdan ang buong paligid. Sobrang laki at ganda kasi nitong hotel at napakasosyal.

"Master!"

Naningkit ang mga mata ko dahil sa babaeng lumapit sa amin hanggang sa ma-realize kong si Andrea ito. Sobrang ganda niya sa suot na pulang dress at naka-curl ang dulo ng nakalugay nitong buhok.

"Hi, queen." Bati niya naman sa 'kin nang tuluyan itong makalapit.

"Hello, Andrea." Nakangiting sagot ko.

"Your dress suits you well, I like it. You look more pretty tonight." Muli niyang sabi at kinindatan pa ako.

"Andrea." Sambit naman ni Aze sa tonong parang nagbabanta kaya itinaas ni Andrea ang dalawa niyang kamay habang tumatawa.

"My lady." May dalawang lalaking sumulpot sa gilid ni Andrea at napansin ko agad ng cresent tattoo sa kanilang leeg. "Pardon us for interrupting your conversation."

"Go on." Sagot ni Aze.

"The guards are now on their positions. Do you need us with you?"

Tumingin ako kay Aze pero umiling lang ito. "I can handle myself. Just focus on securing the area."

Yumuko 'yong dalawang lalaki at mabilis na naglahong parang bula kaya napakurap ako.

"I guess I should get going as well. Bye, couple!"

Katulad no'ng dalawa kanina ay mabilis din nawala si Andrea. Sobrang dami ng tao sa paligid kaya hindi ko na masundan kung saan sila nagpunta.

Tahimik kaming naglakad ni Aze pero mahigpit pa rin ang hawak niya sa kamay ko. Mabuti na lang at medyo kumalma na ang puso ko pero naiilang pa rin ako sa mga tao sa paligid.

Nakarating kami sa isang table at una niya akong pinaupo kasunod siya. Nasa harapan ang pwesto namin na katapat lang ng stage at sa gilid naman ay buffet.

"Aze, magc-cr lang ako." Kanina pa talaga ako naiihi at gusto ko ring i-check ang paa ko dahil medyo mahapdi na.

Tumingin naman sa 'kin sa Aze at sadaling kumunot ang noo. "I'll go with you."

"Huwag na. Sandali lang naman ako. Hintayin mo na lang ako rito." Nginitian ko siya sa pisil ang kamay nito bago siya bumuntong hininga.

"But-"

"Ms. Knight!" Tawag ng babaeng dumating.

"Saglit lang talaga ako, Aze. Makipagchikan ka muna sa kanya."

Mabilis akong tumayo ay hindi ko na siya hinintay pa na sumagot. Madali ko naman sigurong makikita ang restroom.

Habang naglalakad ay naglilibot din ako ng tingin sa paligid, nagbabakasakaling may makikita akong signage ng restroom para hindi na ako magtanong pa pero wala akong makita.

Dahil wala akong choice, naglakas loob na lang ako lumapit sa babeng nakita ko na malapit.

"Uhm, excuse me miss. Saan kaya ang restroom dito?"

"Mukha ba akong tanungan kung nasaan ang CR, miss?" Mataray niyang sagot habang nakataas ang isang kilay at tiningnan pa ako mula ulo hanggang paa.

"Oo?" Takang sagot ko.

Ano bang problema niya? Lahat naman pwedeng pagtanongan, 'di ba? Bakit ang sungit ng isang 'to e nagtatanong lang naman ako?

"Pwes, I'm not the person na dapat mong i-ask." Sabi nito saka ako nilagpasan.

Sana okay lang siya.

Kesa ma-stress sa babaeng mataray ay naghanap na lang ako ulit ng pwedeng mapagtanongan hanggang sa may makita akong waiter.

Engaged with the Vampire QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon