Chapter 22

3.6K 281 21
                                    

Maxine's POV

"I will explain." Sabi niya saka sandaling pumikit. Sa muli nitong pagmulat ay bumalik na sa normal ang kulay ng mga mata niya.

Hindi naman ako nakagalaw nang maglakad siya palapit at hinawakan nito ang magkabila kong braso.

"I'm sorry, I came a bit late again." Aniya habang nakatingin sa balikat ko.

Lumambot din ang expression ng mukha niya bago bumuntong hininga.

"I'm sorry." Sabi pa niya ulit.

Kita ko ang magkahalong pag-aalala at galit sa mga mata niya kaya kahit gusto kong itanong ang tungkol sa nakita ko ay parang umurong na ang dila ko.

"Let's treat your wound first before I answer all your questions."

Hindi na ako umangal sa sinabi niya. Lumabas kami nang tahimik at naghihintay na pala si Andrea sa labas habang nakatayo sa gilid ng sasakyan ni Aze. Tahimik din niyang binuksan ang pintuan at minuwestra akong pumasok sa loob.

"He escaped. Find him." Dinig kong sabi ni Aze bago ako tuluyang makapasok sa loob ng sasakyan.

Napahinga ako nang malalim nang pumasok na rin sa loob si Aze. Napatitig ako sa kanya at ngayon ko lang napansin na may bahid ng dugo ang jacket niya sa may bandang braso at may laslas pa ang tela.

"Anong nangyari sa braso mo?" Nag-aalala kong tanong.

Sandali siyang tumingin sa akin pero agad din niyang ibinalik ang atensyon sa daan.

"Someone tried to stab me but he failed." Walang emosyong sagot niya.

...

Kanina ko pa nililibot ang tingin dito sa loob ng kwarto ni Aze. Ito pa lang kasi ang pangalawang beses ko na nakapasok dito kaya namamangha pa rin ako lalo na sa isang side ng kwarto niya na puno ng mga libro ang buong wall.

Umayos ako ng upo nang lumapit siya sa 'kin dala ang first aid kit. Umupo rin siya sa tabi ko saka kumuha ng cotton ball at nilagyan iyon ng gamot.

Medyo awkward ang katahimikan at pakiramdam ko ay naririnig niya ang malakas na tibok ng puso ko.

"I'll treat your wound now. Stay still." Paalam nito at marahang idinampi sa balikat ko ang hawak niyang bulak.

"I'm sorry," mahinang sambit niya.

"Bakit ka nagso-sorry?"

"I'm sorry that you have to experience all these."

Sandali ko pa siyang tinitigan bago ako muling sumagot. "Wala ka namang kasalanan do'n, Aze."

"I'll make sure that he'll pay for this." Madiin pang bulong nito at ramdam ko ang namumuo na naman niyang galit.

Bigla tuloy bumalik sa isip ko ang nakita ko kanina. Kung bampira siya, bakit mga men in black na bampira rin ang mga kaaway niya? Hindi kaya kriminal na bampira itong si Aze kaya siya palaging hinahabol ng mga 'yon?

"I'm not a criminal."

Kumunot ang noo ko nang magsalita siya ulit.

"Nababasa mo talaga ang nasa isip ko, Aze? Part ba 'yan ng powers ninyong mga bampira?"

"Humans can also read minds. You just need to learn how to unlock that ability." Sagot niya naman.

Maya-maya ay nag-anunsyo itong tapos niya na gamutin ang sugat ko. Dinama ko ang malaking bandaid sa aking balikat habang pinapanood siyang magligpit hanggang sa may bigla na naman akong naalala.

"Teka lang, Aze. Hindi ba may sugat ka rin? Mamaya ka na magligpit, gagamutin ko rin muna ang sugat mo."

"No need." Tanggi niya pero hindi ako nagpapigil.

Engaged with the Vampire QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon