Chapter 24

3.7K 324 52
                                    

Lloyd's POV

Inayos ko ang kumot ni Max habang himbing na himbing itong natutulog. Naligo lang ako saglit para mawala ang lasing ko because I was drinking before she came pero pagbalik ko ay tulog na siya.

Tahimik akong umupo sa gilid ng kama at bumuntong hininga. We talked a lot earlier and I confessed my feelings for her pero hindi niya pa rin nakuha. It's funny but Max is really like this that's why I love her. She's smart and unassuming. She's also kind but has a strong personality, and I love everything about her.

I'm in love with my best friend but it pains me big time that she's now getting married to someone else.

I was pulled out of my thoughts when her phone suddenly rang. Aze sungit was the contact name and I'm aware that it's Knight. Sasagutin ko na sana ang tawag ngunit may biglang bumusina nang malakas sa labas kaya naglakad ako patungo sa bintana. Nakita ko ang pamilyar na black Bugatti Chiron at isa lang naman ang kilala kong may ganoong sasakyan kaya lumabas na ako.

"Where's Maxine?" Salubong sa akin ni Knight pagkabukas ko ng gate. Masama rin ang tingin nito sa 'kin kaya napangisi ako.

"She's sleeping. Ihahatid ko na lang siya sa inyo bukas."

"No. Allow me to enter your house and I will bring her home," agad naman niyang sabi. Umiling ako.

"Mahimbing na ang tulog niya. Siguro naman ayaw mo rin siyang maistorbo—" Hindi ko inasahan ang bigla nitong pagkwelyo sa akin at nakakagulat ang lakas nito para sa isang babae.

"I don't fucking care. Just allow me to enter your house!" Galit na galit niyang sabi at pinilit ko namang alisin ang kamay niya pero sobrang lakas talaga nito.

"F-Fine. Just get your hands off me—fuck." Bumagsak ako sa sahig pagkatapos niya akong bitawan.

"I know that you're in love with my fiancée but accept your loss already, Rivera. Maxine is mine."

Para akong nanigas sa kinauupuan ko at unti-unti akong napayuko habang nakakuyom ang aking mga kamay.

...

Maxine's POV

"Aze? Anong—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang mapansing nasa loob na ako ng sasakyan. Akala ko ay nananaginip lang ako na buhat niya ako kanina.

"Why are you sleeping there? You know I was waiting for you outside." May bahid ng galit niyang tanong pero halatang pinipigilan niya pa ring tuluyang magalit.

"Ang alam ko hinihintay ko lang si Lloyd kanina tapos hindi ko namalayang nakatulog na pala ako," paliwanag ko pero inirapan lang ako at pinaandar na ang sasakyan.

"Nasaan si Lloyd?" Tanong ko nang bigla itong maalala.

"I will not allow you to go to that place again. Look what time is it." Inis niyang sabi kaya binuksan ko ang phone ko. Nagulat ako nang bumungad sa akin ang 50 missed calls at may 20 text messages na mula sa kanya, at lalo pa akong nagulat nang makitang mag-a-alas dose na ng madaling araw. Ganoon ba ako katagal nakatulog?

Nakagat ko ang aking labi at dahan-dahan binalik ang phone ko sa bag bago ko siya muling tiningnan.

"See? I was so worried about you!" Sabi niya ulit at nakita ko ang paghigpit ng hawak niya sa manibela kaya lalo akong nakonsensya.

Hindi ko alam kung paano maaalis ang galit niya kaya inalis ko ang naka-suot sa 'king seatbelt bago siya niyakap. Ito lang ang naisip kong paraan.

"Sorry na, Aze," malambing na sambit ko at niyakap pa siya nang mahigpit.

Muntik na akong mapasigaw nang bigla niyang tinapakan ang preno. Napapikit na lang ako pero ramdam ko ang isang kamay niya na nakahawak sa likod ko para hindi ako tumalsik sa harap dahil wala akong seatbelt.

Engaged with the Vampire QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon