Chapter 1

12.6K 476 118
                                    

Maxine's POV

"Bukas na lang ulit. Umuwi na kayo agad ah at mag-ingat." Sabi ko saka isa-isang tiningnan ang mga students ko na nakapila.

"Opo, master!" Sabay-sabay nilang sagot at mabilis na nag-bow saka umalis. Ako naman ay dumiretso sa maliit na dressing room para magbihis.

Nagsimula akong magturo ng taekwondo noong mangibang bansa si Master Choi dalawang taon na ang nakakalipas. Siya ang nagpatayo ng taekwondo school na ito at dahil ayaw niya itong tumigil ay sa akin niya naman ipinagkatiwala.

Gabi na ng makalabas ako ng building kaya tumingala ako sa langit. Ipinasok ko rin sa bulsa ng suot kong jacket ang dalawang kamay ko at pinagmasdan ang mga bituin. Maglalakad na lang siguro ako pauwi.

Gustong-gusto ko rin talagang pinagmamasdan ang buwan lalo na ngayong full moon at napakaliwanag.

"Ano bang kailangan ninyo?!"

Kusang hinanap ng mga mata ko kung saan nanggaling ang boses na iyon hanggang sa may nakita akong dalawang lalaking nakasuot ng itim na t-shirt habang hawak ang isang matandang babae sa kabilang side ng kalsada.

Nakatayo sila sa gilid ng isang itim na van at mukhang may ginagawa silang masama kay lola kaya hindi na ako nag-aksaya ng panahon at mabilis ko silang nilapitan.

"Hoy! Anong ginagawa niyo?" Sita ko sa kanila at nakuha ko naman agad ang atensyon no'ng dalawa.

"Huwag kang makialam dito miss kung ayaw mong masaktan!" Sagot naman ni kuyang kalbo.

"Paano kung gusto kong makialam, kuya?" E sa gusto ko talagang nakiki-alam minsan e.

Kumunot ang noo ng isa pang lalaking kasama niya na nakasuot naman ng itim na cap at mabilis na lumapit sa akin.

Hahawakan niya sana ako sa braso pero naunahan ko siya kaya pinilipit ko ang kamay nito at agad na rumehistro sa mukha niya ang sakit.

"Anak ng!" Sigaw niya at itinaas ang isa niyang kamay na may hawak palang baril.

Maagap akong umatras at sinipa ang kamay niya bago niya pa ito maitutok sa akin. Tumalsik ang baril at dumausdos sa sahig hanggang sa mahulog sa butas na nasa tabi ng gutter.

Napangisi ako ng balingan ulit si kuya pero mukhang lalo itong nagalit at humakbang palapit sa 'kin.

Sinalubong ko naman siya ng sipa sa tiyan na nagpayuko rito at gamit ang aking tuhod ay pinatamaan ko ang kanyang mukha. Napahiga siya sa sahig at hindi na gumalaw kaya si kuyang kalbo naman ang nilingon ko.

"Bwisit!" Sigaw niya.

May baril din pala ito at akmang itututok niya rin sa akin kaya bago niya iyon magawa ay mabilis kong hinubad ang suot kong sapatos at malakas na ibinato sa kanya. Tinamaan siya sa mukha kaya kinuha ko ang pagkakataong iyon para lumapit sa kanya.

Sunod kong hinawakan ang kanyang kamay at inikot iyon kaya nabitawan niya ang hawak na baril. Siniko ko rin siya sa tiyan na nagpayuko rin dito at para sa final move ko ay binigyan ko siya nang malakas na axe kick.

Tumama ang paa ko sa batok niya at diretsong napadapa sa sahig. Hindi na rin siya gumalaw kaya pinagpag ko ang dalawang kamay ko at pinunasan ang pawis ko sa sentido pagkatapos.

Biglang pumasok sa isip ko si lola kaya hinanap ko siya agad at nakita ko naman ito sa gilid ng van.

"Okay lang po ba kayo?" Agad kong tanong ng malapitan siya.

Ngumiti naman siya sa 'kin at hinawakan ang magkabila kong kamay.

"Maraming salamat, hija."

"Wala pong ano man, lola. May masakit ho ba sa inyo?" Nag-aalalang tanong ko pero umiling naman siya habang nakangiti.

Engaged with the Vampire QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon