Chapter 18

3.5K 304 11
                                    

Maxine's POV

Pababa na ako ng hagdan nang biglang mag-ring ang phone ko. Tumatawag si Lloyd kaya mabilis kong sinagot ang tawag.

"Prinsesa ko."

"Oh, Lloyd, bakit ka napatawag?"

"Ilang araw ka na wala sa school ah, nasaan ka?"

"Nagbakasyon kasi kami ni Aze. Naka-excuse ako ng one week."

Hindi siya sumagot kaya akala ko ay naputol na ang tawag pero no'ng tiningnan ko naman ang screen ng phone ko ay on going pa ang call.

"Hello, Lloyd? Nandyan ka pa ba?"

"Yeah, I'm here. I just want to invite you on Saturday."

"Huh? Bakit? Anong mayroon?" Takang tanong ko.

"Magtatampo na talaga ako sa 'yo, Max. Na-engaged ka lang diyan sa Knight na 'yan kinakalimutan mo na ang birthday ko."

Kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong naka-pout siya ngayon kaya bahagya akong natawa. Chineck ko rin sandali ang calendar sa phone ko at doon ko nakitang birthday niya na nga sa Saturday. Hindi kasi ako nakapag-check ng date simula ng dumating kami rito ni Aze.

"Sorry, Lloyd. Huwag ka na magtampo. Madami lang din kasing nangyayari at mga iniisip kaya hindi na ako nakasunod sa date. Sorry na—" Napa-atras ako nang bigla akong mabangga sa kung ano pagkababa ko pa lang ng hagdanan.

Nagtaas ako ng tingin at nakita ko ang seryosong mukha ni Aze. Sa kanya ata ako nabangga.

"Who are you talking to?" Tanong niya habang nakataas ang isang kilay.

"Ah si Lloyd. Tumawag," sagot ko at chineck ang phone ko pero nawala na ang tawag. Napindot ata ang end call no'ng nabangga ako sa kanya.

"So you're going out on Saturday?"

Tumango ako. "Tumawag si Lloyd para imbitahan ako sa birthday niya sa Saturday. Punta tayo huh?"

Tinalikuran lang ako ni Aze na wala man lang sinabing kahit ano.

Ang sungit talaga no'n.

...

Nagising ako dahil sa kumukulo kong tiyan. Kunot noo akong napaupo dahil hindi ko namalayang nakatulog ako kanina, anong oras na ba?

Paglabas ko ng kwarto ay napatingin agad ako sa veranda at nagulat ako nang makitang madilim na sa labas. Gabi na agad?

"Aze?" Tawag ko nang sumilip ako sa kusina pagkatapos kong magmadaling bumaba pero wala siya.

Naglakad ako pabalik sa sala pero wala rin si Aze kaya napagpasyahan ko na lang lumabas. Baka nagpapahangin na naman siya ro'n sa may tabing dagat.

May natanaw agad akong liwanag paglabas at may dalawang tent din na nakatayo malapit sa tabing dagat. Doon din nanggagaling ang liwanag kaya hindi na ako nagdalawang isip na lumapit.

"Aze!" Excited na tawag ko nang makita ko ito sa harap ng tent at nag-aayos nang maliit na lamesa.

"You just woke up?" Sabi niya nang balingan ako.

"Bakit hindi mo 'ko ginising?" Nakanguso kong tanong pagkatapos umupo sa tabi niya.

"Because I don't wanna interrupt your peaceful sleep," sagot niya at binigyan ako ng utensils bago umupo sa tabi ko.

"Let's eat. I know you're starving." Aya niya.

Nakangiti akong tumango at tumusok ng meat. Nilagyan naman ni Aze ng rice ang plato ko.

Engaged with the Vampire QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon