Chapter 13

4.3K 354 53
                                    

Maxine's POV

Mabilis kong kinuha ang phone ko nang maalala ko si Aze. Hindi ko pa pala nasasabi sa kanya na pupunta ako ngayon kila Edon dahil nakaalis na siya agad ng bahay kanina paggising ko.

Nagpahatid naman ako kay Lolo Benjamin sa apartment ni Coleen at doon kami sinundo ni Edon.

Aze sungit 😾
iMessage
Today 9:01 AM

Aze! Papunta ako ngayon kina
Edon ah. Ngayon 'yong house
warming party na nabanggit
ko sa 'yo noong nakaraan.

"We're here." Wika ni Edon nang itigil niya ang sasakyan.

Mabilis ko namang ibinalik ang phone ko sa sling bag pagkatapos mag-send ng message ko.

Sabay kaming lumabas ni Coleen ng sasakyan at bumungad sa amin ang isang modern house na sa tingin ko ay two-storey.

Humawak ako sa braso ng pinsan ko nang mag-umpisa na kaming maglakad papasok ng gate habang sinusundan namin si Edon.

"Yieee, mami-meet mo na agad ang parents ni Edon." Bulong ko kay Coleen.

"Manahimik ka nga, Maxine." Mapagbantang sagot niya habang pinandidilatan ako ng mga mata kaya tinikom ko agad ang bibig ko.

Parehas talaga sila ng ugali ni Aze. Masungit.

Nang makarating kami sa tapat ng pintuan ay agad iyong binuksan ni Edon at sinalubong kami ng dalawang tao na sa tingin ko ay mga magulang niya.

Sabay silang yumuko nang magtama ang mga paningin namin na ikinagulat ko.

May lahi atang korean itong sila Edon. 'Di ba yumuyuko ang mga korean kapag nagge-greet?

"Anosayo." Nakangiti kong bati sa kanila saka yumuko rin.

Binilisan ko talaga ang pagbigkas para hindi nila mahalata na hindi naman talaga 'yon korean pero katunog naman. Mabuti na lang talaga at nakakapanood ako ng mga korean drama paminsan-minsan.

Narinig ko ang pagtawa ni Coleen sa tabi ko kaya kinunotan ko siya ng noo at sinenyasang bumati rin. Paano siya magugustohan ng mga magulang ni Edon kung patawa-tawa lang siya riyan?

Pagbalik ko ng tingin sa mga magulang ni Edon ay parehas pa rin silang nakangiti sa akin. Hindi ko alam pero parang tuwang-tuwa sila na makita ako.

"Hali na kayo sa loob." Aya ng mama ni Edon.

Naglakad kami papunta sa sala at nandoon na rin ang mga bisita. Pansin kong iilan lang sila at baka mga kamag-anak lang din nila or close friends.

Paglapit namin ay panay na naman ang yuko ko ng mga ito sa tuwing madadaanan namin kaya gano'n na lang din ang ginagawa ko. Matanong nga si Edon tungkol sa Korea mamaya.

"Kumain na muna kayo." Sabi ng mama ni Edon na nakasunod lang pala sa amin.

"Sige po. Thank you." Sagot ko naman.

Ngumiti naman siya at sinamahan kami patungo sa dining area. Madaming pagkain ang nakahain sa ibabaw nang mahabang table at mukhang masasarap lahat.

"Gusto niyo ba na mag-uwi ng pagkain mamaya? Ipagtatabi ko kayo." Nakangiting sabi ng mama ni Edon at bigla kong naisip si Aze.

Gusto ko sana siyang uwian ng food mamaya for peace offering dahil galit pa rin ata siya sa 'kin sa nangyari sa movie room.

"Opo sana." Nahihiyang sagot ko.

Tiningnan ko si Coleen pagkatapos at mukhang tatanggi ito pero inunahan ko na agad.

"Ay si Coleen din daw po magte-take out din." Sabi ko ulit.

Engaged with the Vampire QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon