Chapter 27

7.3K 347 67
                                    

Maxine's POV

Naabutan ko si Aze na inaayos ang buhok niya habang nakatapat sa malaking salamin. Dahan-dahan akong lumapit.

Agad siyang lumingon sa akin at ngumiti pagkatapos akong pagmasdan. "You really never fail to amaze me."

Na-conscious naman ako sa sarili. Hindi talaga ako sanay na pinupuri lalo na ng katulad niya na sobrang ganda. Simpleng itim na dress lang naman ang suot ko na see-through ang sleeves. Hindi rin ako nag-heels dahil nadadala na ako sa sakit ng paa. Si Aze naman ay nakasuot ng tube dress na as usual ay kulay itim, at may palamuti pa sa leeg. Bagay na bagay din sa kanya ang naka-half tie na buhok. Mukha siyang maamo tingnan.

"Aze, baka matunaw naman ako kakatitig mo." Biro ko saka humakbang palapit sa kanya.

Narinig ko siyang sadaling tumawa at pinagmasdan ako ulit. "Wife." Mahina niyang tawag pagkatapos.

"Hmm?" Sabi ko at tumingala sa kanya.

Ang ganda niya talaga lalo sa malapit at hindi ako magsasawang sabihin. Parang nauubusan na ako ng hangin dahil hindi ko mapigilang magpigil ng hininga kapag ganito kami kalapit sa isa't-isa.

"Always remember that I love you so damn much." Seryoso niyang sabi habang nakatingin sa akin. Kitang-kita ko ang sinseridad sa mga mata niya at heto na naman ang nakakakiliting pakiramdam sa aking tiyan.

Hindi pa man ako nakakasagot ay bigla naman siyang lumapit pa lalo. Kusa akong napapikit at naramdaman ko na lang na dumampi ang kanyang mga labi sa tungkil ng ilong ko kasunod ang noo.

"Please be strong." Sambit niya pa ulit. Hindi ko maintindihan kung bakit niya iyon sinabi pero tumango na lang ako.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya bago siya lumayo at doon ko lang minulat ang mga mata ko.

...

Nagtaka ako nang lagpasan namin ang function hall na maraming tao. Feeling ko kasi ay doon gaganapin ang party pero dire-diretso lang na naglakad si Aze hanggang sa makasakay kami ng elevator.

"Saan tayo pupunta, Aze? Nalagpasan na ata natin 'yong venue."

Hindi naman siya sumagot hanggang sa makarating kami sa pinakamataas na floor. Agad na humakbang palabas si Aze nang magbukas ang elevator at wala akong nagawa kung hindi ang sumunod dahil mahigpit ang hawak niya sa kamay ko.

Huminto kami sa dulong pintuan kung saan may dalawang lalaki ang nakatayo. Mukha silang mga men in black pero ang pinagkaiba nila ay mas mabigat sa pakiramdam ang mga ito.

"Are they inside?" Seryosong tanong ni Aze. Tumingin naman sa akin 'yong isang lalaki pero mabilis akong nag-iwas dahil bigla akong kinilabutan.

"Stop intimidating her," muling sabi ni Aze na nagpalunok sa 'kin. Mas nakakakilabot kasi 'yong tono ng boses niya na kahit hindi nito sabihin nang direkta ay alam kong nagbabanta siya.

"My sincerest apologies, your majesty," nakayuko nang sagot no'ng lalaki.

"Please come in, your majesty. My Lord is inside," sabi naman no'ng isa pang lalaki na ngayon ay nakayuko na rin.

Bumukas ang pintuan at bibitawan ko na sana ang kamay ni Aze pero lalo lang humigpit ang hawak niya. Akala ko kasi ay maiiwan lang ako rito sa labas pero naglakad na siya papasok at wala na akong nagawa kung hindi ang magpatangay sa kanya.

Isang malaking office pala ang loon ng kwarto na katulad sa office ni Aze, pero mas modern ang design no'ng kanya kung ikukumpara rito.

"What's the meaning of this, Azariah?" Boses iyon ng lalaki kaya tumingin agad ako sa harap at nakita ko si King Black. Seryoso itong nakatingin kay Aze at bigla akong napalunok nang bumaling naman ito sa 'kin. Saglit lang iyon pero parang nagtaasan ang balahibo at buhok ko sa takot. Iyong bigat ng pakiramdam ko sa lalaki kanina sa may pintuan ay times ten pa no'n o higit pa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 05, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Engaged with the Vampire QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon