Chapter 9

6.3K 402 57
                                    

Maxine's POV

Lumapit ulit sa amin si kuyang waiter at may dala naman siyang bote ng wine ngayon. Maingat niyang sinalinan ang baso ni Aze kaya kinuha ko rin ang baso ko at inilapit sa kanya.

"Pwede rin ba akong humingi?" Nakangiting tanong ko pero biglang naging awkward nang bigla silang napatingin sa akin ni Aze at parang nagulat pa si kuya'ng waiter.

"No." Madiing sagot ni Aze at inilayo pa ang baso ko.

Napasimangot naman ako. "Bakit hindi pwede? Konti lang naman e. Gusto ko lang tikman."

Hindi niya ako sinagot at kumuha lang ng isang pitsel na tubig ang laman. Iyon ang isinalin niya sa baso ko kaya lalo akong napasimangot.

"Ang damot." Bulong ko pero narinig niya pa rin pala at tiningnan ako nang masama kaya binawi ko rin agad. "Joke lang."

Narinig ko ang mahinang pagtawa ng waiter na mabilis na binalingan ni Aze at tingnan din nito nang masama.

"What are you laughing at?"

Kita ko ang biglang pagrehistro ng takot sa mukha ni kuyang waiter bago yumuko at mag-sorry.

"W-Wala po, kamahalan."

"Get lost." Kalmadong sabi ni Aze pero nakakapangilabot pa rin ang dating kaya nagmamadaling dumalis 'yong waiter.

Hindi na rin ako nagsalita dahil baka ako naman ang mapagalitan ni Aze kaya nag-focus na lang ako sa pagkain.

Maya-maya ay napatingin ako sa plato niya at nakita kong kalahati pa lang ng steak ang nauubos niya. Matagal ko na ring napapansin na ang hina niyang kumain. Iniisip ko tuloy na baka pumayat siya. Hindi bagay sa kanya ang payat.

Inikot ko ang tinidor para kumuha ng pasta sa plate ko saka ko inilapit sa kanya. Expected ko na ang reaction niyang nakakunot ang noo pagkatapos makita ang fork na inilapit ko bago nito inilayo ang kamay ko.

"Ang konti lang ng kinain mo. Isubo mo na 'to dali. Sige ka, mangangayayat ka niyan." Nilapit ko ulit ang kamay ko dahilan para samaan niya ako ng tingin.

Huwag kang matakot sa mga ganyang tingin niya, Max. Nagpapakipot lang 'yan. Huling-huli ko na ang ugaling 'yan ni Aze.

Hindi ako nagpatinag sa mga tingin niya pero ramdam kong pinagtitinginan na kami ng ibang tao rito sa restaurant. Bakit kaya? Hindi naman kami PDA ah.

Hindi ko na lang sila pinansin dahil mas importante sa akin ang mapakain si Aze na matigas ang ulo.

"Dali na kasi Aze, isubo mo na 'to." Pagpupumilit ko at sinuklian niya naman ako nang matalim na irap bago muling ilayo ang kamay ko.

Ilang beses ko pa siya kinulit hanggang sa mapabuntong hininga na lang ako dahil mukhang hindi ko na talaga siya mapipilit.

Pababa na ang kamay ko dahil nangangalay na rin kakapilit sa kanya pero bigla niya namang hawakan ito para pigilan na ikinagulat ko. Hindi rin ako nakapagsalita pa dahil sa sunod niyang ginawa. Inilapit niya kasi ang kamay ko sa kanya hanggang sa maisubo nito ang laman ng tinidor.

Namalayan ko na lang na nakabuka na pala ang bibig ko ng bitawan niya na ang aking kamay at pinapanood ko itong pinupunasan ang gilid ng kanya bibig gamit ang itim na scarf sa sa table.

Hindi ko napigilang mapangiti bang ma-realize ko ang nangyari. Sabi na nga ba nagpapakipot lang 'to e.

Kumuha ulit ako ng pasta at inilapit ko ulit sa kanya. Hindi masala ang ngiti ko dahil ang cute niya kasi panoorin habang ngumunguya kahit nakakunot pa rin ang noo.

"I'm full." Wika niya at inilayo na naman ang kamay ko.

Full? Busog agad e nakaka-isang subo pa lang naman siya.

Engaged with the Vampire QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon