Chapter 25

3.6K 270 51
                                    

Coleen's POV

"Ang tigas talaga ng ulo ni Max." Inis na sabi ko habang nagda-drive.

"I will surely get her back next time." Napatingin ako kay Edon na nagsalita sa tabi ko. Halata pa rin ang galit sa mga mata nito habang seryosong nakatingin nang diretso sa daan. Nakahawak din ito sa kaliwa niyang braso para pigilan ang pagdugo ng sugat nito.

Ibinalik ko rin agad ang tingin ko sa daan habang umiiling. Nakatanggap kami ng balita na susugod na naman ang mga rebeldeng bampira na kaaway ni Knight kaya pumunta agad kami ni Edon sa auction. Hindi ko na hahayaang makuha na naman ni si Max at ayaw kong magbulag-bugalan sa mga nangyayari.

"Bakit mo pa kasi sinugod si Azariah? Tingnan mo ang nangyari sa 'yo." Kung hindi niya naman kasi pinakialaman pa 'yon edi sana mas madali naming nakuha si Max. Ang tigas din kasi ng ulo ng lalaking 'to e.

Isa pa rin 'yong si Maxine. Bakit pa kasi siya pumayag-payag na magpakasal sa babaeng 'yon? Edi sana hindi na siya nadadamay pa sa gulo ng mga bampirang 'yon at napapahamak ngayon!

Napabuntong hininga na lang ako at pilit na pinakalma ang sarili. Ayaw ko na sumakit ang ulo ko at kailangan ko pang mag-isip ng isasagot kay Max dahil paniguradong pauulanan ako ng mga tanong no'n kapag nagkita kami.

Dapat na ba akong umamin sa kanya?

...

Maxine's POV

Dumiretso agad ako sa kusina dahil sa gutom pagkatapos kong mag-ayos at magpalit ng damit. Hindi kasi ako nakakain kagabi at hindi ko rin alam na nakatulog ako. Nagising na lang ako kanina na nasa kwarto na.

"Good morning." Nakangiting bati sa akin ni Aze nang maabutan ko.

"Good morning!" Sagot ko naman at nakangiting umupo sa tapat niya pero napansin ko agad ang bandage sa kanang kamay nito. "Anong nangyari sa kamay mo?"

Ibinaba niya ang hawak na cup bago nagsalita. "It's just a small wound. There's nothing to worry about."

"Hala Aze, nakagat ka ba ng malaking aso kagabi? Delikado 'yan baka magka-rabies ka. Pumunta na tayo sa ospital!"

Patayo na sana ako pero bigla siyang tumawa. May nakakatawa ba sa sinabi ko? Delikado naman talaga 'yon ah.

"Eat your breakfast. I know you're hungry." Sabi niya naman at doon ako nakaramdam ng gutom. Kumuha na ako agad ng pagkain at inilagay sa plato ko.

Natahimik ang paligid dahil parehas kaming nag-focus sa pagkain pero maya-maya ay may bigla akong naalala.

"Parang hindi pala aso 'yong sumugod sa 'yo kagabi. Ano 'yon? Bakit nagkaroon ng ganoon doon sa auction?" Taka kong tanong habang naglalagay ng butter sa toast.

"I don't know either." Sagot niya at nagkibit-balikat bago uminom ulit sa hawak niyang cup.

"E sino 'yong tinawag mong Collins kagabi? Si Edon lang naman ang kilala kong Collins pero wala namang ibang tao sa paligid no'n." Depende na lang kung may nakita nga siyang hindi ko nakikita.

"Stop asking and focus on your food."

...

Nasa byahe na kami patungo sa Bloodstone at habang nagmumuni-muni ay may bigla na naman akong naalala.

"Aze, kailan mo pala ako tuturuang humawak ng baril?"

"Speaking of guns, where did you get the gun you're holding last night?" Tanong naman niya pabalik.

"Binigay sa akin ni Andrea."

Kita ko ang pag-igting ng panga niya at paghigpit ng hawak sa manibela pagkatapos kong sumagot. "That asshole."

Engaged with the Vampire QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon