Chapter 6

5.4K 382 83
                                    

Third person's POV

Sa labas ng siyudad ay matatagpuan ang isang malawak na kagubatang pilit iniiwasan ng mga mamamayan. Usap-usap kasi na ang gubat na ito ay napakamisteryoso at lubhang nakakapangilabot sa hindi malamang dahilan ngunit hindi alam ng lahat na sa pusod nito may matatagpuan ang isang lihim na daan patungo sa malaking underground base—ang lugar kung saan nagtitipon ang lahat ng mga bampira'ng kumikilos sa ilalim ng pamamahala ng mga Knight.

Payapa ang paligid ng sumulpot ang isang paniki. Lumapag ito sa gitna ng kagubatan at sa isang kisap-mata ay naging isang babae, si Azariah. Kasabay ng pagtindig nito ay ang pagbukas ng maliit na parte ng lupa at bumungad ang pababang hagdanan.

Napakadilim ng daang sinimulan niyang tahakin ngunit hindi niya ito alintana dahil sa kanyang paningin ay malinaw niyang nakikita ang bawat detalye ng paligid. Mabilis siyang nakarating sa dulo ng hagdanang kung saan matatagpuan ang isang malaking pintuan na kusang bumukas ng ito'y tingnan niya.

Puno ang malaking bulwagan. May mga nag-uusap, kumakain at umiinom sa tapat nang mahabang lamesa. Tumayo at sabay-sabay na nagsiyuko upang magbigay galang kay Azariah.

Hindi nagbago ang seryosong expression nito at walang salitang tinahak ang isa pang hagdanang patungo naman sa lugar kung saan nagtitipon ang mga nakakataas.

Nang makarating si Azariah sa huling baitang ay agad siyang inabutan ng baso ng lalaking nag-aabang sa kanya at kinuha rin nito ang kanyang suot na jacket. Nagpatuloy siya sa paglalakad palapit sa mahabang lamesa at tahimik na umupo sa pinakadulo.

"Let's begin." Anunsyo niya.

Sa gilid ng lamesa ay may tig-limang upuan na magkakatapat at lahat ng iyon ay okupado na. Lahat sila ay mga nakakataas kumpara sa mga normal na bampira at katulong ni Azariah sa pamamalakad ng kaharian.

Tumikhim ang isang lalaki na naka-upo sa bandang kanan ni Azariah at nag-umpisang magsalita.

"Your majesty, we would like to raise an alarming issue. The conversion of a normal human into a vampire is anomalously high."

Uminom si Azariah sa hawak niyang baso at nanatiling tahimik kaya pinagpatuloy ng lalaki ang kanyang pagsasalita.

"There's approximately fifty humans transformed into vampire in just a span of one week. This occurrence can outset a war between humans and the peace that we kept for a very long time will--"

"Who's the person behind?" Tanong ni Azariah na nakatutok lang ang atensyon sa kanyang inumin habang pinapaikot ang daliri sa bibig ng kanyang baso.

"Adam Anderson." Sagot ng babaeng nasa kaliwa niya. "He's stirring up a rebellion against you, your majesty."

Napangisi si Azariah sa narinig. "If they start a fight, kill them. Gather those who are not a threat. I wanna talk to them. And for Anderson, get that asshole as soon as possible and bring him to me alive."

"Yes, your majesty." Sabay-sabay nilang sagot.

"Any more concerns?" Muling tanong ni Azariah.

"Your majesty, I-Is it true that we're having another queen?" Tanong ng isa pang lalaking katabi ng nasa kanan.

Nabalot ng tensyon ang paligid ng biglang tumayo si Azariah at sa isang iglap ay nawala ito sa dulo ng lamesa at ngayon ay nasa tapat na ng hagdanan at isinusuot ang kanyang jacket.

"That's true. I'll introduce her to you when she's ready." Sagot ni Azariah ng hindi lumilingin bago ito tuluyang maglakad paakyat.

Maxine's POV

"Lolo, ano po bang favorite ni Aze na pagkain?" Tanong ko.

Sunday kasi ngayon kaya naisipan kong lumabas para mag-grocery at tingin ko ay wala ring pasok si Aze pero hindi naman siya maagang bumangon. Puyat siguro dahil nakita ko pa siya kaninang madaling araw na papasok pa lang ng kwarto niya no'ng maalimpungatan ako. Miss ko na rin si Coleen kaya balak kong dumaan sa apartment niya pagkatapos kong mamili.

Engaged with the Vampire QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon