Chapter 7

5.3K 370 73
                                    

Maxine's POV

"Alis na kami." Paalam ko kay Coleen ng makalabas kami ni Aze ng apartment.

Nagkwentuhan lang naman kami ni Coleen kanina habang si Aze ay tahimik lang na nakikinig sa 'min dahil alam niyo na, palagi namang hindi nagsasalita ang isang 'yan.

"Sige, huwag ka ng bumalik dito ah." Sagot ni Coleen kaya napa-pout ako.

"Grabe ka talaga sa 'kin!"

Tumawa lang siya at inirapan ako sabay senyas ng kamay na umalis na kami.

"Tara na nga, Aze." Aya ko sa katabi ko.

"We're going." Kalmadong paalam naman niya kay Coleen. Ang bait naman ata niya ngayon?

"Mag-ingat kayo. Ingatan mo 'yang pinsan ko ha? Tatanga-tanga pa naman 'yan."

Sinimangutan ko si Coleen bago ko kawayan para magpaalam. Sumakay din agad kami ni Aze ng sasakyan at umalis.

Habang nasa byahe ay may bigla akong naalala kaya binalingan ko siya na seryoso lang na nagda-drive.

"May binili pala akong mga snacks kanina. Manood tayo ng movie." Excited na aya ko.

"I can't." Tipid na sagot niya.

"Gano'n ba? Sige, next time na lang." Ako na lang muna manonood kung hindi siya pwede. Sayang naman.

...

Dala ko ang limang malalaking packs ng junkfoods na binili ko habang naglalakad para maghanap ng pwedeng panooran ng movie. Hinahanap ko rin si Aze para yayain ulit siyang manood baka sakaling free na siya pero hindi ko rin naman mahanap. Wala kasi siya sa kwarto niya.

Hindi ko alam kung saan mayroong TV dahil wala naman sa sala. Kalaki-laki nga ng living room pero wala namang TV at imposible namang wala siyang ganoon dito sa sobrang yaman niya.

Nasa hallway na ako ngayon at may natatanaw akong mga pintuan sa bawat gilid. Iisa-isahin ko na lang siguro baka nasa isa sa mga 'yon ang hinahanap ko.

Habang papalapit ako sa unang pintuan ay napatigil ako ng may marinig akong piano na tumutugtog. Dahan-dahan akong lumapit at itinapat ang tainga ko sa pintuan at doon ko nakumpirma na nanggagaling nga sa loob ang tunog kaya maingat kong binuksan ang pinto.

Pagsilip ko sa loob ay doon ko nakita ang isang malaking itim na piano at sa tapat no'n ay nakaupo si Aze na siyang tumutugtog habang nakapikit.

Nakakamangha siyang panoorin kaya hindi ko na napigilan ang sarili na tahimik na pumasok. Nakapikit naman siya kaya kinuha ko na rin ang pagkakataong iyon para umupo sa nakita kong upuan sa gilid.

Canon in D ang tinutugtog niya na madalas din naming tugtugin ni mommy noon.

Habang nakikinig ay hindi ko na naman naiwasang titigan si Aze. Ang ganda niya talaga at talented din pala. Sobrang sungit nga lang.

Pumikit na lang din ako at dinama ang musika. In-imagine kong sinasabayan ko siyang tumugtog. Maya-maya pa ay napansin kong may luha na palang dumadaloy sa pisngi ko.

Kasi naman si Aze e, masyadong ginalingan. Na-miss ko tuloy bigla si mommy at tumugtog ng piano.

Nagmulat ako at pinunasan ang aking pisngi. Ilang sandali pa ay natapos na rin si Aze kaya napatayo ako habang pumapalakpak.

"Bravo! Bravo!" Sabi ko pa with accent. Deserve niya ng standing ovation.

"What the hell are you doing here?" Napatayo rin siya bigla at tiningnan ako nang masama. Siya na nga 'tong pinapalakpakan pero nagagalit pa rin?

Engaged with the Vampire QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon