Chapter 10

5.6K 383 93
                                    

Maxine's POV

"Thank you po, manong. Keep the change." Nakangiting abot ko ng bayad sa taxi driver bago ako bumaba. Ngumiti rin naman si manong pagkatapos tanggapin ang bayad kong one thousand pesos.

"Salamat po, ma'am." 

Pagbaba ko ng taxi ay excited kong tiningnan ang building ng Bloodstone sa tapat ko habang hawak ang paper bag laman ang pagkain na ni-take out ko kanina. 

Sa kabilang building ako dumiretso dahil naalala kong doon pumunta si Aze no'ng huli naming punta ni Coleen dito. Lakas loob akong pumasok kahit sobra ang kaba ko na baka harangin ako ng limang lalaking natanaw kong nagbabantay pero laking gulat ko nang bigla itong nagsiyuko. Ginaya ko na lang sila at yumuko rin dahil baka ganito lang talaga sila bumati rito. 

"Uhm... sir, nandiyan ba si Aze?" Tanong ko sa isang lalaki.

"Opo, kamahalan. Nandoon po siya sa office niya ngayon." Agad na sagot nito. 

Nakakapagtaka ang tinawag niya sa 'kin pero hindi ko na lang pinansin at baka magbago pa ang isip nito kapag marami akong tinanong.

"Gamitin niyo po ang elevator sa kaliwa." Sabi pa nito at nagpasalamat na lang ako bago pumunta sa sinabi niya.

Pagpasok ko sa elevator ay nakakapagtaka na namang isang floor lang ang pagpipilian at PH ang nakalagay. Kibit-balikat ko na lang na pinindot ito at ilang saglit lang ay bumukas na ang elevator. 

Kinakabahan akong lumabas ng elevator dahil madilim sa hallway. Sa dulo naman ay natatanaw ko ang isang napakalaking eleganteng pintuan. 

Nang malapit na ako ay doon ko lang napansin na may babae palang nakatayo sa gilid nito kaya mabilis ko siyang nilapitan.

"Hoy, ikaw! Paano ka nakapasok dito? Hindi mo ba alam na mahigpit na ipinagbabawal ang pumasok dito?" Galit na tanong nito nang makita ako at parang isang napakalaking kasalanan ang ginawa ko.

"Bibisitahin ko lang sana si Aze. Sabi kasi no'ng guard sa baba nandiyan daw siya sa office niya." Kalmadong sagot ko.

Kung titingnan ay mukhang empleyado rin siya rito sa Bloodstone dahil katulad ng iba ay nakaitim rin siyang skirt at blazer. 

"Aze? Sino ang tinutukoy mo? Umalis ka na bago pa akong magpatawag ng mga dadampot sa 'yo." Salubong ang mga kilay niya at hindi ko maintindihan kung bakit siya galit. Kung makatingin pa ito ay parang gusto niya na akong kaladkarin palabas.

"Si Azariah." Banggit ko sa pangalan ni Aze. Naalala kong ayaw nga pala ni Aze na tinatawag siya sa ibang pangalan kaya siguro hindi niya alam.

"Huh? At sino ka para pumunta na lang dito basta-basta?" Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at kitang-kita ko sa mga mata niya ang panghuhusga. "Ako ang secretary ng CEO kaya alam ko kung sino ang mga taong nagpa-set ng meeting sa kaniya ngayong araw." 

Nagtataka ko naman siyang tiningnan pabalik dahil hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganito ang trato niya sa akin. Hindi na rin masyadong nagf-function ang utak ko dahil sa gutom kaya gusto ko na talagang makita si Aze.

"Uhm, miss. Pwede bang mamaya na lang ang interview? Nagugutom na kasi ako e, bye!" Lalagpasan ko na sana siya para pumasok sa loob ng office ni Aze pero bigla naman nitong hinigit ang braso ko.

"And where do you think you're going?" Nakataas ang kilay na tanong nito at sa medyo mataas na boses. Pinandilatan niya pa ako ng mga mata at babawiin ko sana ang braso ko pero lalo niyang hinigpitan ang hawak niya.

Ano bang problema nito ni ate at high blood na high blood sa akin?

"Sa loob." Sagot ko at itinuro ang pintuan.

Engaged with the Vampire QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon