Chapter 2

74 2 0
                                    

Shocking announcement!



Hay naku...kapagod sa university pero worth it naman, may mga bago akong nakilala at nalaman tungkol sa bussines at sa university, talagang high quality nga talaga ang university na 'yon, bawal daw agad makapasok ang ibang taga-university sa sinclair university na walang pahintulot nang president nang university, yung namumuno sa university talaga 'di ko alam kung bakit dahil di sinabi sa akin ni mia basta sinabi nya na walang mangyayaring malaking gulo sa university, kung may mangyayaring gulo daw ay pakana iyon ni stacey at hindi ang ibang studyante sa ibang university.







Ang daming ginawa, first day ko pa nga lang pero masaya ako dahil kasama ko si mia...kaso puro si stacey ang topic namin, hate niya talaga si stacey, noh? Nagtataka talaga ako kung ano ba talaga ang kinagagalit niya, parang di naman talaga kasi bully si ate stacey katunayan nga nyan ay mukhang kailangan ni ate stacey nang magiging kaibigan kahit marami na siyang kaibigan na kasama kasama niya kanina.





Sa nakita ko kanina 'yong pag-iyak niya dahil sa witch na yun parang siya pa nga ang binubully, maybe...namisunderstanding lang siya ni mia at nang mga students pero bakit naman? Kung sa itsura naman ang paguusapan, mukhang maamo si ate stacey at tila di makabasag pinggan kahit na minsan ay may pagkamaldita rin ang mukha nya tulad ni mia.






"How's the school, sweetie?"Ngumiti ako kaagad nang makitang sinalubong ako ni mama na nakapang office attire pa, masaya kasi tinuor ako ni mia sa school at naenjoy ko ang presensya niya, matalino si mia at may mga plano siyang design tungkol sa mga university na ginagawan niya pa nang paraan para magawa nya, creative siya magisip, siya rin pala ang vice president nang school at siya rin ang naghatid sa akin pauwi.






Nakita niya kasi ako sa waiting shield ng university, hinihintay ko kasi si papa dahil sabi niya siya ang magsusundo sa akin pero ako na lang yata ang tao doon sa waiting shield nang university ay wala parin si papa kaya nang makita ako ni mia na naghihintay ay nagprisenta siya na, siya na lang ang mag-hahatid sa akin dito sa bahay, sa totoo lang nakakahiya! Mas lalo akong humanga sa kanya nang makita ko ang sasakyan niya, iyon yung sobrang mahal na sasakyan na hindi mabibili kahit pa magtrabaho ka nang isang taon o magipon ka.






Napatunayan ko na sobrang yaman naman pala nang pamilyang sinclair pero napatunayan ko din na pwede rin palang maging parang normal na tao ang isang sobrang yaman katulad ni mia, I mean...she's not the rich people that I know who have bad manners because of the wealth of her family, she impressed me because even though her family known being rich and powerful, she is down to earth, ang bait niya talaga! (⁠≧⁠▽⁠≦⁠)







"Ok lang po, masaya ang unang araw ko po sa klase, mayroon na po akong kaibigan! Di po kayo nag-kakamali ni papa sa university, ma! Ang ganda at ang mga studyante doon? Ang babait nila!"Matamis na ngumiti ako na ikinalawak nang ngiti niya. Binaba ko ang bagpack ko sa sofa at pagod na umupo doon.






"I'm glad you like that university, did you know that I was always feel honored to graduated with honors and medals to that university? That university is awesome! Kung doon ka magtatapos nang pag-aaral di ka mahihirapan na makapasok sa pinakamalaki at kilalang kompanya sa larangan ng business!"She exclaimed happily.







"Nakita ko nga po kaganina...nakakalula ang ganda at laki nang university, magagaling rin po ang mga professor na nandoon, the way they teach us is awesome! Medyo suplada at suplado po sila pero they know their work, alam nila ang pinasukan nila and that's good!"I complimented, naalala ko yung discussion..ang galing talaga!



Demon's Hide.Where stories live. Discover now