Chapter 32

8 1 0
                                    

Wondering.






"Dairon, hubby..."Tawag ko kay dairon nang may mabuong ideya sa isip, napatigil ako nang makitang nasa akin pala ang tingin niya habang may roon ngiti sa labi. Namula ang mukha niya at tumikhim na umayos nang upo sa swivel chair sabay harap sa computer, may kung ano siyang ginagawa doon.







Kasalukuyan kaming nandito sa study room, sinamahan ko na siya dito kahit wala naman akong gagawin dahil tapos ko na sagutin ang mga test paper, kagabi pa talaga di mawala sa isip ko ang ideyang iyon hanggang sa makauwi kami, habang si dairon ay mula kagabi pa malawak ang ngiti.







"Yes, wife?"Tinaasan niya ako ng kilay niya, magsasalita sana ako nang muli siyang nagsalita at tinaas ang coffee na ginawa ko sa kanya kanina nang pumasok ako dito at nakita siyang may ginagawa.








Di ko kasi siya nakita kanina sa kwarto niya, plano ko sabihin sa kanya ang nasa isip ko kaya hinanap ko siya. "About your coffee? Don't pout, it tastes good wife. I like it"Sagot niya at sumimsim doon, napanguso ako para pigilan ang ngiti.









"Kagabi ka pa nakangiti nang malaki, you....look so creepy"Di nagiisip kong bigkas, huli na bago ko pa bawiin ang sinambit dahil narinig niya na iyon, binaba niya sa lamesa ang kape at kunot noong tinignan ako.





Tumawa agad ako ng kaunti at nag-peace sign sa kanya. "Joke lang iyon! Di ka naman mabiro!"Natatawang sambit ko, ngumisi siya.








"I know wife...I know, I'm handsome"Napaawang ang labi ko nang sabihin niya iyon, masyadong mahingin dito sa study room!





"Bakit ka kasi nakangiti ng ganyan? Kagabi pa iyang ngiti mong malawak, ah!"Di ko mapigilan na sabihin iyon, mas lalong lumaki ang ngiti niya at sumandal sa upuan niyang humarap sa akin, parang matutunaw ako sa klase nang tingin na binibigay niya sa akin.






"It's because I'm here with you, I thought you weren't going home with me, last night"Nakangiting aniya.






"Huh?"Ano ang pinagsasabi niya? Siya ang nagsabi na uuwi kami e!





"You just proved to me that you really love me"Nagugulohan na napailing ako sa kanyang sinabi, hinuli niya ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko, namumula ang pisngi na umiwas ako ng tingin gumuhit ang pilyong ngiti sa kanyang labi na mas ikinapula ng pisngi ko.








"You look so beautiful wife....as always..."May mga butterflies naglaro sa tiyan ko sa narinig at napairap na lang, kinuha ko ang kamay ko sa kanya na ikinangisi niya at umayos nang upo at bumalik sa ginagawa niya sa computer.







Ano ang ginagawa niya doon? Sumilip ako at agad na napasimangot ang mukha nang makitang ang daming numbers doon!





"Kilala mo ba yung kapatid ni brie?"Napatigil siya sa pag-galaw sa mouse at nagtatakang tinignan ako.





"He's been dead for a long time"Sagot niya at muling tinuon ang pansin sa ginagawa na siyang nagpakunot sa noo ko, dead? Bakit, natagpuan na ba ang katawan ng batang iyon?







"Why did you suddenly ask? You have a crush on him?"My eyes widened, nahampas ko tuloy ang braso niya.






"Ano?"Hindi makapaniwalang ani ko, kinagat niya ang ibabang labi at umiwas ng tingin sa akin, hindi nakaligtas sa akin ang pamumula ng mukha niya mula sa leeg hanggang sa tenga niya.





Demon's Hide.حيث تعيش القصص. اكتشف الآن