Chapter 38

8 1 0
                                    


Helping hand.





"Windy? I'm here now, where are you?"Tumingin tingin ako sa paligid, grabe naman! Ang daming libro ang nandito kaya siguro ay nahihirapan ang mga lalaking iyon na hanapin si windy pero salamat dahil doon.









"What? I told you not to come here! Baka makita ka ng mga lalaking iyon"Halata sa kanyang boses na kinakabahan siya.







"Nandito ako sa loob, nakita ko kanina si xander, tinulungan niya akong pumasok dito kaya---"Natigilan ako at siya nang mayroon sumigaw pero alam ko na siya iyon dahil boses niya iyon.








Kagaad na napalingon ako sa aking likod at nanlaki ang aking mata nang nakita ang bookshelves na ngayon ay tumba na, may tao ba doon? Paano sila nakatakas kay xander? Kinagat ko ang ibabang labi at napaatras ng may tumayo.








Ngunit agad na napatigil ako ng makita na babae iyon. "Narrah?"Umukit ang ngiti sa mukha ni windy ng makita ako.






Napaawang ang labi ko, nakasuot siya ng katulong ng uniporme, nangigilid ang kanyang luha na sinungaban ako ng yakap, napangiti ako nang marinig ko ang marinig ang mga hikbi niya, ano ba yan! Bakit naiiyak ako? Parang hindi kami nagkita nang ilang taon?










"You really think you can leave me like that?"Parang naging istatwa si windy ng marinig iyon, umawang ang labi ko at humiwalay kay windy na agad na nagtago sa aking likod ko.






Ito na namang lalaking ito! Nakatakas pa siya doon sa lubid na tinali ko sa kanya? Nakangisi siya sa amin ngayon habang nakatutok sa amin ang baril na hawak hawak niya.









"You should never play with me, young lady"Nakangiti ako sa kanya na ikinatigil niya na naman at inis na tinaliman ako ng tingin.








"Ikaw na lalaki ka, kailangan pa namin hanapin ang mga kaibigan namin kaya sana naman ay---"Natigilan ako ng biglang sumenyas siya doon sa labas ng library.









Mabilis na napatakip ako bibig ng biglang may pumasok na isang lalaki na all black hindi ko makita ang kanyang mukha pero I don't care! Ang atensyon ko ay nandoon sa babaeng hawak hawak niya, nandoon si mia na ngayon ay umiiyak ng mahina.










Gulo gulo ang buhok niya at ang kanyang uniporme ay may gulo rin ng kaunti at pumasok din na isang lalaki katulad ni mia pero ganon na lang ang takot at gulat ko nang may sumunod sa kanya, si brie! Anong ginagawa niya dito?!








Dapat nasa bahay namin siya ngayon! Ano nang nangyari kay stacey? Kinuha ba nila si brie sa bahay?!











"Anong ginawa mo sa kanila?!"Inis na lumingon ako sa lalaki na ngayon na parang isang baliw na tumatawa, suminghap ako. Baliw na ang lalaking ito! Bakit niya ba ginagawa ito?!









Napaawang ang labi ko at bahagyang nanlaki ang aking mata nang makita na pinalilibutan na kami ng mga lalaki ngunit hindi ko makita ang kanilang mga mukha dahil sa mga suot nila, natatakpan ang mukha nila, bumuntong hininga ako at sinalubong ang tingin ng lalaking iyon ngunit sa aking loob ay grabe ang kaba ang aking nadarama.






"Pwede bang pag-usapan natin ng maayos ito?"Alinlangan akong ngumiti, sekretong bumuntong hininga ako ng malalim at lalapit na sana ng mas itutuk niya sa akin iyon dahilan kung bakit natigilan ako.







Demon's Hide.Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz