Chapter 66

6 1 0
                                    

Three mysterious person.




"Zion, nandito ako sa apartment ni kuya tagabuhat pumunta ka dito may roon akong ipapakita"Nagvoice message ako dahil hindi niya nasasagot ang mga tawag ko, tinago ko ang phone at muling tinuon ang atensyon sa camera.








Muli kong ginalaw iyon at pumunta ako sa isang litrato isang babaeng batang sobrang cute! Napanguso ako may bangs siya kaunti at nakapeace sign pa siya, napatawa na lang ako, ang cute cute naman nang batang ito!




"Ang cute naman pala nang kapatid ni kuyang tagabuhat"Nakangiting ani ko at pinindot yung button para makita ang sunod na litrato.






Pero sana hindi ko na ginawa, bumagad sa akin agad ang isang lalaki, kaage niya si papa para sa akin, kita ko ang mga galit sa kanyang mga mata habang deretsyo ang tingin sa camera parang nagtitigan tuloy kami, sino ang lalaking ito? May mga peklat siya sa noo ngunit maliliit lang din ang mga iyon siguradong hindi makikita sa malayuan pero kung sa malapitan makikita mo iyon, walang kalungkutan o kasiyahan
ang nakikita ko sa kanyang mga mata, basta puno lang ito nang galit, galit para kanino?






Bumuntong hininga ako at muli iyon nilapit, bumangad agad sa akin ang isang batang nakahiga kulay itim ang litrato pero kawawa ang kalagayan nang babaeng bata, kundi ako nagkakamali ang batang ito ang kapatid ni kuyang cryane.





Naguunahan na bumagsak ang mga luha ko dahil sa awa para sa batang iyon, si kuya cryane mamaya darating siya, aantayin ko na lang siya.


Pinunasan ko ang luha muling nilipat ang litrato, mga lalaki naman iyon mayayaman ang pustura habang may mga babae na nakaupo sa lap nila, halatang bar ang lugar na iyon tumingin ako sa isang matandang lalaki, siya ang kaninang nasa litrato...




Sino ba ang lalaking ito? Napatigil ako nang biglang kumatok ang pintuan mabilis kong inayos ang sarili, bumaling ako sa pintuan at napasinghap nang makita ang matalim na tingin sa akin ni kuya cryane.





"Hindi ba? Hija, nandito na ang nobyo mo, sige na hijo pumunta ka na sa loob"Nasa likod niya si lola na nakangiti, lumingon sa kanya si kuyang tagabuhat at ngumiti nang malaki abot hanggang tainga, napaawang ang labi ko.






Okay lang sya? Kanina lang ang sama sama nang tingin nya sa akin tapos abot tainga na ang ngiti niya kay lola, napakamot ako sa ibabang kilay. "Hala hija! Sobra naman yata ang pagkamiss mo sa nobyo mo"Sobra po, miss ko na siya kaso nasa iba siyang bansa e.






"Wag ka nang umiyak hija, nandito na si cryane! H'wag ka nang umiyak hija, ikaw naman hijo, wag mo nang iwan itong nobya mo, sige na! Aalis na kami para maka-pag usap na kayo"Nakangiting wika nito at umalis kasama si lola na tumatawa, parang sayang saya nila, nakangiting tumango sa kanila si cryane nang matapos ay sinarado niya ang pinto.








"Anong ginagawa mo dito?"Ang kaninang abot tainga nyang ngiti ay nawala at napalitan nang inis, bakit ba siya naiinis sa akin? Wala naman akong ginagawang masama, ah? Sinundan ko ang matalim niyang tingin sa camerang hawak hawak ko, napakurap ako nang maraming beses at alinlangan na ngumiti sa kanya.






"Bakit hawak hawak mo yan?"Dali dali niyang kinuha ang camera na hawak hawak ko.






"Sinabi ko ba na hawakan mo ang mga gamit ko?"Galit na anya, napaiwas ako nang tingin, napalunok ako.








"Ahm...sorry sa inasal ko sa una natin pagkikita, gusto ko lang kasi na tulongan ka"Nakangiting wika ko sa kanya pero imbles na ngumiti siya sa akin ay mas tumalim lang ang tingin niya sa akin, napabuntong hininga ako nang malalim dahil kinakabahan ako sa kanya.








Demon's Hide.Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ