Chapter 73

5 1 0
                                    

Trying to fight.




Ilang ulit ang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko habang lahat sila ay nakapalibot sa akin syempre nangunguna si zion.







"Hindi mo ba maintindihan ang sinasabi ko?"Medyo inis na sambit niya napayuko na lang ako at pilit na wag kabahan. Talagang hindi pero I'm trying to understand, but I can't promise I can't text and call dairon kahit di niya ako sinasagot, I already miss him.








"I already told you don't text or call chase, nasa japan pa sya! You should do what I said narrah, hindi mo siya dapat iniistorbo! Kung lagi mo siyang gagawin mas lalo siyang hindi makakabalik"Bakit naman? Napanguso ako, ano bang ginagawa niya sa Japan at hindi ko siya dapat kinukulit? Bumuntong hininga ako ng malalim at tumingin sa kanya, ngumiti ako ng matamis sa kanya, mas lalong nagsalubong ang kilay niya.






"Ano ba kasing ginagawa niya doon?"Nakangusong wika ko, napairap siya.







"Narrah, may ginagawa siya doon importante, wag kang masyadong atat"Nakasimangot na wika ni xander.







"Gusto ko na siya makita!"





"Masyado kang patay na patay kay chase! Wag kang masyadong pahalata"Sumimangot ako ng biglang sinabi iyon ni jack na nasa gilid ni keifer na nakangisi, namula ang mukha ko.







"Sabihin nyo na kasi sa akin kung ano ang ginagawa nya doon sa japan, naiinis ako dahil hindi namin na celebrate yung monthsarry, hindi ko naman kasi alam na cenicelebrate pala iyon e, umalis ba talaga siya kasi galit siya sa akin"Mas lalong kumunot ang noo ni zion, rinig ko naman ang sunod sunod na mura ni jack, habang sila keifer ay tahimik.









"Bakit mo naman sinabi 'yon? Hanggang ngayon ba, ayon parin ang iniisip mo? Sa tingin mo umalis siya dahil galit siya"Parang nanenermon na wika ni zion, bumuntong hininga ako ng malalim at umiling ng marahan.






"Ayon ang gusto kong isipin pero hindi ganon ang pagkikilala ko kay dairon, siguro mayroon syang ginagawang importante naiintindihan ko yun, pero kasi minsan naiisip ko na hindi na yata sya babalik, pero hindi! Hindi niya ako iiwan! Tama ako hindi ba zion?"Nakangiting wika ko sa kanya, gumuhit ang matamis na ngiti sa kanyang labi at tumango nang maraming beses na ikinatuwa ko, talagang hindi ako iiwan ni dairon!



Tama!







"Hmm....tama,hindi ka iiwan ni chase, patay na patay yun sa'yo"Napangiti ako, sinundan ko siya ng tingin nang tumayo siya.










"May kailangan kaming gagawin narrah, dito muna si jack, para bantayan ka"Tumango tango ako ng maraming beses, sunod sunod silang nag-paalam sa akin kaya syempre pinayagan ko na sila.






Buti na lang hindi nagalit si zion, kumaway ako sa kanila ng makitang pumasok na sila sa kotse. "Saan ba sila pupunta?"Nakangiting sinarado ko ang pinto at tumingin kay jack na nakaupo lang sa sofa malalim ang iniisip.









"Bakit 'di ka nagsasalita?"Kunot noong wika ko at pumunta doon sa dereksyon niya, napatigin siya sa akin at bumuntong hininga ng malalim.








"Ah....yung nangyari kanina, sorry"Hinging paumanhin ko sa kanya, napaawang ang labi niya at hindi ako makapaniwalang tinignan, ngumiti ako ng matamis sa kanya para naman mapatawad niya na ako.








Demon's Hide.Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt