Chapter 78

14 1 0
                                    

Curious.


Tahimik lang silang dalawa nang makalabas ako sa comfort room, hindi man lang nila ang ginagalaw ang pagkain na nasa harap nila. "Bakit hindi pa kayo nagsisimula?"Inosenteng tanong ko sabay lakad patungo sa kanila at umupo sa harap nila.






"Kanina pa kayo hindi nag-sasalita, nagtataka tuloy ako"Nakangusong ani ko sa kanila habang nasa bibig ang candy na max. Nasa shoulder bag ko ito e!





"Narrah, ano bang tinignan mo sa kwarto ko?"Kunot noong tanong sa akin ni anna at tumingin sa akin, seryoso ang mukha niya at walang halong biro ang boses.







Ngumiti ako ng unti unti sa kanya na ikinakunot ng noo niya, she gulped. "Tinignan ko lang ang kwarto mo, kasi kanina habang wala ka, akala ko may roon mali, wala pala! Nga pala, ate anji!"Napatingin agad siya sa akin ng marinig niya ang pagtawag ko sa kanyang pangalan, kahit hindi niya ipahalata sa akin ay kitang kita ko.







Kinakabahan din siya, hindi ko ng alam kung bakit, ang kaninang mapaglaro na ngiti at ngisi niya ay nawala, parang nagmamakaawa pa nga ang kanyang tingin sa akin. "Sorry....hindi ko makakain itong luto mo, aalis na din kasi ako"Tumingin siya sa aking plato kung nasaan ang pagkain na hindi ko pa ginagalaw.






"Favorite ko pa naman ito pero pwede ko siyang baunin para hindi masayang ang effort mo!"Nakangiting sambit ko, hindi siya nagsalita kaya napakunot ang noo ko, wala naman akong ginagawang masama sa pagkakatanda ko, ano bang problema nila?







Simula ng lumabas kaming dalawa ni anna sa kwarto niya, hindi man lang siya nagsasalita, hindi siya ngumingiti, hinawaan niya na si ate anji. Ngayon parehas na sila na ganito.




"May roon akong nakitang mali. Bakit mo gustong makita ang kwarto ni anna? May kinuha ka ba? Sa pagsasalita mo kanina parang hindi ikaw ang kaharap ko kanina, nabibigla ako sa pagbabago mo."Parang detective na sambit ni ate anji, nakagat ko ang candy na nasa bibig ko at ngumuso.







"Wag niyong intindihin iyon minsan naging ganon din ako kila mia, wag n'yo ng pansinin iyon, minsan sinusumpong ako ng pagkaganon ko e"Napatango na lang sila dalawa, tumayo si ate anji para ipagbaon ako. Naiwan kami dito ni anna.








"Bakit hindi ka parin nagsasalita? Talaga bang natakot kita?"Kunot na kunot ang noong ko na sabi sa kanya, tumingin siya sa akin at ngumiti ng maliit sabay iling niya.






"Wala lang, nagugulat lang ako sa nangyari, ano nga ba ang sadya mo sa kwarto ko?"Kunot noong tanong niya, naniningkit ang mga mata sa akin.










I smiled sweetly. "Ayaw ko sanang sabihin kaso mukhang hindi mo ako kakausapin kung hindi ko sasabihin"I said, kumunot ang noo niya at hinintay akong magsalita, bumuntong hininga ako ng malalim at tinuro ang dereksyon ng kamera, nagtataka niya itong sinundan ng tingin at napasinghap sa gulat.







"May kamera kasi..."Panimula ko.








"Napansin ko iyan ng wala ka, bakit may roon kang kamera sa apartment mo? Tapos nakatago pa, pumunta ako sa kwarto mo kung may kamera din doon, pumunta nga rin ako sa comfort room mo para tignan, walang kamera sa restroom at sa kwarto mo wala naman....kaya bakit may kamera dyan?"Namutla ang buo niyang mukha sa aking sinabi para bang hindi niya muling inaasahan ang sasabihin ko, I bit my lip firmly.








Demon's Hide.Where stories live. Discover now