Chapter 45

9 1 0
                                    

A chance to change the wrong done.



"Gusto ko rin naman silang kamustahin"Nakangiting sabi ko kay vernon, nahihiyang umiwas siya ng tingin, nakagrey hoddie siya at may facemask siya na kulay black at  nakapantalon.






Ayaw daw kasi niyang may makakita sa mukha niya baka daw tumakbo palayo sa takot. "Pero....babalik ka mamaya sa university niyo, hindi ba?"Malungkot na anya, kumunot ang noo ko at tumango sa kanya, dahil totoo naman iyon, may natitira na nga lang akong fifthy minutes kaya kung malagpasan ang fifthy minutes, hindi ko alam ang gagawin ko!







"Tama! Kasi may sasagutan pa ako! Kaya, tara na?"Bumuntong hininga siya at tinanggap ang nakalahad kong kamay.








"Sasakay tayo doon, sa kotse ni dairon!"Malaki ang ngiting ani ko sa kanya kumunot ang kanyang noo ngunit wala ng sinabi pa.










"Ito ang unang beses na makikita ko ang inay"Napatawa ako dahil may himig nang kasiyahan ang kanyang boses nakakatuwa naman kung ganon!










"Makikita mo na rin ang iyong ama"Natigilan siya at walang ng sinabi pa, bahagyang napakunot ang noo ko may mali ba sa sinabi ko? Pinagbuksan ko siya ng pintuan nang makapunta na kami doon sa kotse ni dairon, kaagad na umupo siya doon sa passenger seat, kaya umupo na rin ako sa driver seat.









Hindi talaga siya nagsasalita! Mukhang hindi maganda ang nasabi ko?! Ngunit ama niya iyon! Ngunit baka naiilang pa siya hindi maganda ang huling pagkikita nila nang ama niya, nakita niya ang ama niya kung paano sampalin ang kanyang ina na galit sa kanyang ama.











Anong gagawin ko? Bumuntong hininga ako at tumingin kay vernon na tahimik pa kanina na nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan, nakalabas na kami sa village ngunit mukhang malalim ang iniisip n'ya.










"May iniisip ka, hindi ba?"Tumingin siya sa akin, hindi ako tumingin o lumingon man lang dahil kita ko naman siya doon sa side mirror, nanatili ang tingin ko doon sa dereksyon na aming tatahakin.










"Iniisip mo ba ang iyong ama?"Bumuntong hininga siya at nahihiyang umiling, ngunit alam ko naman na iniisip niya ang ama n'ya, kitang kita naman iyon sa kanyang mga mata kahit natatakpan iyon nang kanyang kaunting buhok, napailing ako nang kaunti, mukhang hindi niya talaga sasabihin na ang ama niya ang kanyang iniisip.








"Wag mong ikaila dahil kita ko sa mga mata mo....kahit natatakpan iyan ng buhok mo, alam kong iniisip mo ang iyong ama, gusto ko lang na ikaw mismo ang mag-sabi niyon"Napaiwas siya nang tingin, mukhang galit siya sa kanyang ama.









Napakagat ako nang ibabang labi. "Galit ka sa iyong ama, hindi ba?"Nakita ko kung paano nanlaki ang kanyang mata at nagbaba ng tingin.









"Wag mo na tayong pumunta....baka nagsisimula na ang klase mo"Nahihiyang anya napanguso ako, ngunit hindi naman ako papayag na manatili ang galit na kanyang nararamdaman sa kanyang ama.








"Hindi na. Siguro ay sasagutan ko na lang sa bahay ang gagawin o kaya ay babalik ako sa university, at 'saka kailangan mong makita ang ama at ang ina mo at si kuya senior, may natitira akong oras"Kitang kita ko kung paano kumuyom ang kamao niya, mukhang galit rin siya kay kuya senior.









Demon's Hide.Where stories live. Discover now