Chapter 67

3 1 0
                                    

So, what's next?


Kaagad na bumagad sa akin ang malinis at walang kalat kalat na kwarto ni vernon, ang linis talaga walang kalat na makikita sa mga sulok sulok, nililinis yata niya ang kwarto niya araw araw.






Nakangiting pumasok ako nang tuluyan at nilibot ang paningin sa paligid, nasaan na ba yung libro? Napangiwi ako, paano ko iyon makikita hindi ko alam kong anong libro yun? Humaba ang nguso ko.






Lalabas na sana sa kwarto para tanungin si vernon, napakagat ako nang ibabang labi at pumikit nang mariin. Nabangga ko yung trash can sa kwarto niya na malapit lang sa pintuan, napakamot ako sa ibabang kilay ko, narumihan ko tuloy yung kwarto niyang malinis.




Bumuntong hininga ako nang malalim at tumingin doon sa trash can, walang kahit anong basura, walang kahit anong laman iyon kundi mga papel, gumuguhit siya? Magaling mag drawing si vernon at matalino. Kaya nga gusto ko siyang mag-aral at napagpasyahan na yata iyon.






Lumuhod ako at kinuha isa isa iyon pinulot, ang dami dami ng mga ito! Natigilan ako nang may makitang may sulat yung isang papel na kulay red, sulat? Binuklat ko iyon para makita kung ano ang sulat na iyon.



Young, you know you're in a dangerous path, do what is said or you're dead.



-----MD.




Nanlamig ako sa nabasa. Nakakatakot naman yun! Pasimple na hinawakan ko ang dibdib ko kung nasaan ang heart ko, ang bilis bilis nang tibok nang puso ko dahil sa sobrang takot at kaba, ano 'to? Death threats? Napakagat ako nang mariin sa ibabang labi, sinong MD?




Bakit may ganito si vernon? Bakit ganito naman yung sulat, parang nanakot! Shunga! Kaya nga ganyan kasi death threats e!





Napatango ako sa naisip pero sino naman ang gagawa nito? Ganito rin ba yung iba? Bakit may roon siyang ganito, bakit may nagpapadala sa kanya nang ganito? Ano bang nangyayari dito sa bahay tuwing wala ako? Bakit may mga ganito siya?





Pumulot ulit ako nang isa ngunit hindi ko na iyon nabasa nang biglang may humablot niyon, napakurap ako nang maraming beses at nagtatakang tumingin doon sa kumuha ng papel, kaagad na nakita ko si vernon na kinakabahan hindi man lang kayang tumingin sa akin.






"Na-narrah..."Nauutal na bulong niya at pinagpapawisan, tumayo ako nang tuwid at hinarap siya, pumulot pa ako nang isang papel at tinignan iyon.




This is your last chance to do what I want, you will do it or you will die, young.



-------MD




At tinapat iyon sa kanya. "Sinong nagbibigay sayo nang mga ganito? Bakit ka may ganito? Sabihin mo nga sa akin bakit ang dami mong ganito? Bakit nakakatakot yung mga nakasulat dito"Kunot noong sabi ko, napalunok siya at kinakabahan na napaiwas nang tingin.





"Na-narrah, wala yan---"Kaagad siyang napatigil nang mariin ko siyang tinignan, mas lalo nanginig ang katawan niya sa takot, bakit ba siya natatakot? Wala naman akong ginagawang masama sa kanya.






Bumuntong hininga ako nang malalim at ngumuso. "Alam mo naman siguro kung ano ito, may nagtatangka sa buhay mo at hindi mo man lang sinasabi sa amin, may nagtatangka sa buhay mo, hindi mo pwedeng baliwalain to! Paano kung gawin niya sayo ang mga sinusulat niya? Sabihin mo sa akin kung sino ang nag bibigay nito sayo, bakit may roon kang ganito?"Napabuntong hininga siya nang malalim at napalunok nang mariin, naghahanap siya nang isasagot ngunit walang kahit anong salita ang lumabas sa kanyang bibig.








Demon's Hide.Where stories live. Discover now